Hanna's POV "Pops papasok na po ako!" Sigaw ko mula sa main door ng bahay namin. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil hindi naman niya ako papansinin. Nakatitig na naman siya doon sa picture frame na naka display sa ibabaw ng piano. Pagkagising niya sa umaga yun agad ang ginagawa niya. Hindi naman talaga ako nakatira dito eh. Pinagtitiisan ko lang siya. Hindi ko gustong makasama siya sa iisang bubong. I hate her! I really do! Bakit ba ako napunta dito? Well, She's my cousin. Nagdesisyon ang parents ko na samahan ko daw muna siya rito. Wala akong nagawa dahil aalisan nila ako ng mana pag hindi ko sila sinunod. Sobrang close kami dati ni Pops. We're best of friends. Sa aming magpipinsan ay kaming dalawa ang hindi mapaghiwalay noon. Pero nasira ang lahat ng magandang samahan at pag

