Renie's POV "Hah?!" Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong malakas na kumalabog sa baba. Sa tingin ko ay sa sala iyon. Agad akong nagsuot ng roba at lumabas ng kwarto. "Ano yun?" Nakasalubong ko sina Dave at Shierry sa hallway. "Hindi ko alam. Tara tingnan natin." Sabi ko at sabay sabay na kaming tumungo sa baba. Ngunit natigil din kami dahil sa sigaw ng isang katulong. "Diyos ko! Mahabaging diyos! Sir! Ma'am, tulong!" Nagkatinginan kaming tatlo at mabilis na pumanaog ng hagdan. Nadatnan namin na nakahandusay sa sahig si Denvier. Basag ang lamiseta na katabi niya sa sahig. Sa tingin ko nasagi niya ito kanina kaya kumalabog ang mga figurine na nakalagay sa ibabaw nito "Oh my god, Denvier!" Sigaw ni Shierry. "Den, Den, please wake up!" Umiiyak na ngayon si Dave habang

