Richard's POV "Mga inutil! Iisang tao lang hindi pa magawang patayin? Mga meyembro ba talaga kayo ng EXUDOS? Mga walang kwenta! Mga bobo! Hala sige! Magsilayas kayo sa harapan ko, ngayon din!" Galit na galit kong pinagbabato ang anumang bagay na aking madampot. Sayang lang ang paunang bayad ko sa mga inutil na yun! Jared, humanda ka. Magbilang ka na ng maliligayang araw kasama ang mga ahas na kasama mo. Walang makakapigil sa paghihiganti ko! At walang sinoman ang pwedeng mangialam sa mga plano ko! "Boss, isang hakbang nalang sana at mapapatay na namin si Jared pero may tumulong sa kanya kaya hindi namin siya napatay kaagad." Kumunot ang aking noo sa sinabi ng isa sa mga inutil na inutusan ko. "At sino ang tumulong sa gagong yun?" "Hindi po namin alam boss. Masyado pong mabilis ang

