Renie's POV Tss! At sino naman kaya ang nag-utos sa mga gung-gong na yun para patayin siya? Mabuti nalang at hindi ako nahuli. Kahit papaano'y nakatulong ako sa kanya. Nag park ako sa harap ng bahay nang mapansin ko yung kotse ni Elqui at ng mga tauhan niya sa labas. "Renie, thank god you're here." Sinalubong ako ni Shierry pagkababa ko palang ng kotse. "Teka, kasama mo ba si Denvier?" "No. I called her kanina. Sinabi ko na sabay kaming uuwe pero tumanggi siya." Narinig ko ang pagmumura nina Dave at Elqui. "W-wait. What's goin on? And why are you here Elqui?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Hindi pa nakakauwe si Denvier. Pero nasa school pa ang kotse niya. I tried to call her phone pero out of reach na. Kilala ko ang batang yun. Magpapaalam sa akin yun kapag may pupuntahan siya."

