(IRRITATION) BUMABA kami sa palengke. Pagka-abot ko ng bayad sa driber ay naabutan kong tulala na si Fiandro. Lihim akong nalunok nang makita niya ang itsura ng palengke. Ngayon lang siguro nakakita ng ganitong palengke. "Ayos ka lang?" tanong ko ng may pag-aalala. Kung pwede sanang mauna na siyang umuwi sa bahay para ako na ang mamalengke, eh di pwede. Baka dumugin ulit ng mga kapitbahay. I saw how his Adam's apple moved as he swallowed hard. "Is this...the market?" sa tanong eh sinasabi nitong ayaw pumasok sa loob. Bukod sa medyo mainit na, marami pang tao. Araw ng palengke ngayon kaya aasahang madaming mamimili. Tinutop ko ang aking bibig bago sumagot. "Oo." nahihiya kong tugon. Lumunok ulit siya. "Wala kayong mall dito?" tumingin sakin ng may pagka-ilang. Napapikit ako at sum

