(IDENTITY) "SABI ko huwag ka ng sumama!" Kumunot ang noo ni Fiandro. "Bakit ba hindi kung doon ka lang sa pinsan ng mama mo?" "Hindi na nga pwede kasi saglit lang ako doon." giit ko. "I'm coming with you." he insist. Kanina pa kami nagtatalo na sumama siya sa bahay ng pinsan ng mama ko. Hindi ako maka-alis alis ng bahay dahil sa pagpupumilit na sumama. Ayokong malaman niya ang sadya ko kina tito Paul. Dapat kahapon ako pupunta, kaso hindi na sumagi sa isip ko. Tsaka pagkatapos ko din doon, pupunta akong munisipyo. Pangalawang araw ko na dito sa probinsya. Dahil nandito si Fiandro, hanggang ngayon di pa maka-usad sa pag-aalam tungkol kay papa. Naiinip na ako kapag dumadaan ang bawat oras na walang nalalaman. Ang hirap pa niyang pakisamahan! Kaya ngayon, susulitin at iisa-isahin ko

