(CONFESS) "I CAN'T believe it, Shawntina. Asawa mo si Fiandro? Bakit mo hindi mo sinabi sakin 'to?" pabulong na reklamo ni Elly. Nakayakap ang mga bisig niya sa braso ko at nasa likod namin si Fiandro habang sinusundan papasok ng bahay. Napasinghal ako. Sa totoo lang, hindi na nga importante na sabihin 'yon kay Elly. Never naging big deal sakin na kailangang sabihin na ako ang asawa ni Fiandro sa lahat ng kilala ko. Ang hindi ko pa maintindihan sa mokong na'to kung bakit sinasabi niya na asawa niya 'ko? Dapat walang nakakaalam ang tungkol saming dalawa. Dahil alam naming pareho ang mangyayari kung isa sa amin ang mag-bulgar. May binabalak ba siya? At kung anumang mga binabalak niya ay dapat ko ding malaman. Dapat ay pinag-uusapan namin ito kasi kapag malaman ng publiko ay husgahan si

