M A X I N E After sa business namin sa Will P. Inc. ay dumiretso na kami ng Axellerate para gawin ang table-reading. "Good morning, Ma'am Maxine." "Magandang umaga po, Ma'am Maxine… Sir Mateo." "Ma'am, good morning… Sir, good morning din po." Habang naglalakad kami patungo ng conference room no. 1 kung saan gagawin ang table-reading ay panay ang bati sa amin ng mga taong nakakasalubong namin sa corridor. Madalas sa mga bumabati ay ang janitor at mga assistant ng mga assistant ng ibang artista. In short, ang mga minsan lang akong makasalamuha. Hindi naman kasi permanente ang mga janitor ng entertainment na ito, at hindi rin naman madalas may sariling assistant ang mga assistant ng ibang artista. Minsan lang sila rito kaya nilulubos-lubos na nila ang pag-sasight seeing sa mga arti

