M A X I N E "Let's cancel your appointments in the afternoon. We have to meet the person who could help me deal with you," sabi ni Mateo saka iniwan ako sa dulo ng corridor bitbit ang juice ko. Hindi pa ako tapos uminom nun, eh. Napahinto sa paglalakad si Mateo at lumingon sa akin, sinenyasan niya ako na sundan siya gamit ang ulo niya, napansin niya siguro na hindi ako sumunod sa kanya. Nagmadali naman akong humakbang para habulin siya. Pagbalik ko sa conference room ay may nadagdag nang tatlong tao. Ngumiti at yumuko lang ako sa kanila pagpasok ko at umupo kaagad sa puwesto ko. "Anong nangyari?" tanong kaagad ni Richard sa akin pagkaupo na pagkaupo ko pa lang sa silya ko. "Oh... Uh, may sinabi lang siya sa akin na canceled schedule. Tapos iilang instructions," pagsisinungaling

