M A X I N E "Right... sir. What else could possibly happen? Wala naman talagang ibang masamang mangyayari if you educate me para hindi naman ako maging ignorante sa mga paraan niyong mga bampira," pasaring ko kay Mateo. "Are we not doing it right now?" "Y-Yeah. Yes, pero hindi lang naman kasi 'yan ang kailangan kong malaman." "Can't you just wait?" naiiritang tanong ni Mateo. "Can't I just what? Wait? Kaninang umaga pa ako naghihintay, tapos hanggang ngayon wait pa rin?" Aba! Grabe na 'tong waiting game natin dito, ah. Hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili ko at inirapan na siya. "Hey, how dare you roll your eyes on me? I'm your manager," sermon na naman niya ulit. "Exactly, you are my manager not my boss. My boss is right beside you so don't act like one, okay po ba...

