Season 1: Chapter Six

2284 Words
M A X I N E Binagsak ko ang pinto pagpasok namin ng bahay ko. Pinaglololoko ba ako ng manager kong ‘to? Dumiretso lang siya sa sofa at umupo roon. I was about to do the same when he suddenly spoke, “What do you want to know about?” Bumuntong-hininga ako at tumayo ng matuwid habang naka-krus ang mga braso ko. “Marami,” sagot ko, “Pero gusto ko na simulan muna natin ito sa nangyari noong isang gabi. I thought it was a dream, but you said otherwise.” Umayos siya sa pagkakaupo at nag de kuwatro ang puwesto ng mga paa. Hinimas niya ang baba niya. “You mean last night?” “O-Oo. Last night.” “Hm. Since I already brought you this far, I don't have any other choice but to explain this to you,” sabi niya. I can't really understand what he meant to say, maliban sa parte ma willing siya na ipaliwanag sa akin ang nangyayari. Right now, it's good news for me than having nothing at all. Isa pa, maliban sa mga sandali na sinesermonan niya ako at ini-inform ako sa schedules ko, ito na ata ang pinakamatagal naming pag-uusap. Trabaho nga lang kasi ang nasa pagitan sa aming dalawa. If he is not my manager, the chance of us knowing each other’s existence is close to zero since we have a completely different personality. “Okay. I'm ready,” banggit ko. Pero hindi naman siya kaagad na nagsalita. He is just staring at me as if he has something difficult to say to me. Pinapakaba niya pa at ako lalo. Huwag niya lang sanang sabihin na may malala akong sakit dahil baka manlumo ako ng tuluyan at umiyak sa harap niya. Bihira lang kasi akong manghina sa trabaho at hindi rin ako sakitin na tao kaya naman nakakagulat ang dalawang magkasunod na pagkahilo ko. "Do you believe in vampires?" Mateo asked out of nowhere. The question surprised me, it did. Pinaglololoko nga talaga siguro ako ng lalaking 'to. I scoffed then smirked. "Ano? Bakit ka nagtatanong tungkol sa bampira… sir?" Ang layo naman ata ng tanong mo sa usapan natin at napunta ka sa mga bampira. "I guess you don't believe in vampires." "Of course, I don't. Grabe, you're old enough to believe such fantasy," pasaring ko sa kanya, at inabot ko ang tumbler na lalagyan ko ng tubig. Nakakauhaw pala itong kausap si Mateo. "What if I tell you, I'm a vampire?" Halos mabuga ko sa mukha niya ang tubig sa bibig ko nang marinig ko ang sinabi niya. I thought he is just weird, but I guess he is also delusional. Now, his serious and mysterious image is gone for me. "Okay ka lang?" tanong ko at baka kaya ko pang masalba ang magandang image niya. "No. I messed up last week. I'm not fine at all." Tumango-tango ako. "Yeah, I figure it out." Inilapag ko ulit ang tubig sa lamesa at lumapit kay Mateo. Inabot ko ang kamay ko sa kanya sabay sabi ng, "You should go home, sir. You don't…” I sighed, “parang sa tingin ko na-overworked ata kita. Don’t worry I’ll mess up less this week para makapahinga ka naman,” dagdag ko pa. Sa pagka-overworked niya kung ano-ano na ang mga pinagsasabi niya ngayon, na pati ang panaginip ko ay pinatulan niya na rin. I wanted to continue saying that to him pero dahil manager ko siya ay hindi ko na siya sinagot ng prangka. "You still don't believe me? Gusto mo ba ng ebidensya?" he suddenly said while staring in my hand. Right. An evidence. Who doesn't want an evidence to prove other people's stand? Sure, everyone would want one, except to this type of conversation. Paano niya kasi mapapatunayan na bampira siya? Anong ebidensya ang gagamitin niya para rito? Napakamot ako ng noo. Kailan ba 'to matatapos? Kailangan ko pang lumabas para kumain ng hapunan. Nag-krus ulit ako ng kamay. "Sir, gusto kitang paniwalaan kaso ang hirap lang kasi. Baka magmukha pa akong baliw kapag sumakay ako sa trip niyo," I finally frankly told him what's on my mind. Pero kahit ganun ay hindi pa rin siya natinag. Diretso pa rin ang tingin ng pagod niyang mga mata sa akin at sinabi sa akin na, "You accidentally become one… a vampire, I mean." Natigilan ulit ako sa sinabi niya. Hindi pa ata siya nakontento at dinagdagan pa niya ang biro niya. "Oh... kay. That's too much." "Right, I also think so. But I mess up that's why I have to guide you... at least," sagot niya sa akin na para bang normal na conversation lang ang mayroon kami ngayon. Napabuntong-hininga ako sa tigas ng mukha ng manager kong ito. "Sige, kung ayaw mo talaga na tumigil, I'll help you with your evidence. Patunayan mo sa akin na bampira ka... p-pati na rin ang pagiging bampira ko. You have to prove it right here right now." Umakyat ako ng kusina at saka kumuha ng bawang at silver na bread slicer. Agad din naman akong bumalik at ipinahawak sa kanya ang mga ito."'Yan," sambit ko habang naghihintay sa posibleng mangyari sa kamay niya na may hawak ng bawang at silver. "Wala namang nangyayari, ah. You look fine, sir," wika ko nang hindi siya napaso o natakot man lang nang hawakan niya ang bawang at silver na bread slicer. Ngumisi siya at tumayo. He looks calm and doesn't seem to be bothered by my words. "These," mutawi niya sabay pakita ng bawang at bread slicer, "are myths." Itinapon niya ito sa sofa at humakbang palapit sa akin. "You see, Ms. Gutierrez. Drama and the movie industries made vampires a fantasy. Sleeping in coffin, scared of silver, doesn't like garlic, burns in holy water, dies in sunlight. That's how you depict the vampires, but in reality, we are a little bit the same to mortal humans." Nag-iba bigla ang hangin sa paligid ni Mateo. O mas mabuting sabihin na nagbago ang tingin ko sa kanya, he doesn't seem bluffing at all. His eyes are fierce and scary. That if I averted my gaze, he could bite me on the neck. "P-Paano mo mapapatunayan ang sinasabi mo kanina kung ganun?" I managed to ask him despite of my erratic heartbeat. "What would you choose? A fast evidence or a slow one that can also guarantee I am telling the truth?" I rolled my eyes. Him, as my manager, of all people must know I am a busy person. "Fast evidence." Obviously, I would choose the one that could end all this nonsense as soon as possible. Ngumiti siya sa akin. Goodness. This is the first time I witnessed those handsome curves of his lips. Madalas kasi siyang nakasimangot kaya madalas din na bugnuting halimaw ang paningin ko sa kanya. If only he could smile more often baka bumait at maging less pasaway pa ako sa kanya. "You have experienced a constant thirst this past few days, am I correct?" tanong niya sa akin. Itinaas ko naman ang isa kong kilay. "O-Oo." "Abnormal heartbeat and cold sweat?" "Oo." "Dizziness?" "O-Oo." Bumuntong-hininga siya at napahawak sa kanyang baba. "I can't believe I am still hoping it didn't happen," he mumbled as he pinched his nose bridge. Malaki ata ang problema ng isang 'to. But what he said just now are on point. Nahihilo, mabilis ang t***k ng puso, at malamig na pawis. Itong-ito nga ang mga nararamdaman ko kagabi at kanina. Pero hindi ba common naman talaga ang mga bagay na iyon sa tuwing nahihilo tayo? "Oh, and water doesn’t seem enough to quench your thirst," pahabol niya. Napatingin ako sa tubig na nasa lamesa. What the hell! He just guessed it right. "Hm-huh! I'm right," he uttered, confirming his guess correct. "Eh, ano naman ngayon? Baka tsamb—" "Give me your hand," utos niya. "Huh?" "I said give me your hand," pag-uulit ni Mateo at inilahad ang kamay niya sa akin. His voice sounds commanding and urgent kaya napilitan na rin ako na iabot sa kanya ang kamay ko. Ito kasi ang klase ng boses na madalas niyang gamit sa tuwing lumalala ang katangahan at katigasan ng ulo ko. Dumako sa likod niya ang isa niyang kamay. May kinakapa siya sa likod ng pantalon niya at nang ilabas niya ang bagay na 'yun ay mabilis ko naman na hinatak pabalik ang kamay ko. Kaya nga lang ay mahigpit niya itong hinawakan dahilan para hindi ko ito mabawi. "B-Bakit m-may dala kang g-ganyan?" takot kong tanong sa kanya. "It's for emergency." "Emergency!? T-T-Teka! Anong klaseng emergency?" taranta kong tanong nang makita ko na tinutuwid na niya ang foldable knife na dala niya. "OMG! WHAT'S WRONG WITH YOU!" sigaw ko nang hindi ko mahila ang kamay ko no matter how much I pull it back. Natatakot na ako sa kanya. "Come on, why don't you stay still if you don't want it to become as painful as you think," saad niya. Napatingin naman ako sa kanya at magsasalita pa sana nang mabilis niyang dinaan sa palad ko ang matalas niyang kutsilyo. "A-AAH!" Isang three inches na sugat ang lumitaw sa palad ko. Nagmistulan ding tubig ang dugo na tumutulo rito. "O-Ouch!" bulalas ko sabay bawi ng kamay ko sa kanya na kaagad din naman niyang binitawan. "Are you insane? Alama mo ba na pwede kitang ipakulong dahil sa ginawa mo?" bulyaw ko sa kanya. Kung galit siya sa akin he could just tell me and quit his job. Hindi naman kailangan na humantong kami sa ganito. Is he trying to kill me? "You said you want an evidence." "I did, but you're just obviously trying to kill me. Niloloko mo nga lang ata ako." Dahan-dahan akong humakbang palayo kay Mateo. Hindi ko inalis ang tingin ko kanya at baka ano pa ang gawin niya sa akin. "Don't ever get close to me," babala ko sa kanya habang inaabot ang tumbler ng tubig. Ihahampas ko lang kung sakaling subukan na naman niya akong saktan. "Sh*t" Kumirot ulit ang sugat ko sa palad. Kinuyom ko ang kamay ko para sumara ang sugat ngunit panay pa rin ang pagtulo ng dugo mula rito. Nagmistulan tuloy itong pinigang kalamansi. Napatingin tuloy ako sa sahig nang maramdaman ang tumulong dugo sa puti kong pants. Pinitik ko ang dila ko sa inis. My manager is a psycho, and I didn't even notice it until this very moment. Ang nakakainis pa rito ay nagsisimula na akong manghina. "Oops! Lumayo ka," sabi ko sa kanya nang makita ko na sinusubukan niyang humakbang palapit sa akin. Seryoso pa rin ang mukha ni Mateo. Nasa bulsa ang isa niyang kamay habang hawak pa rin ng kabila ang foldable knife niya. What's more annoying is he seems relax. He is just casually standing while staring straight at me. Habang nakatitig pa rin sa akin ang mata niya ay unti-unting kinakagat ni Mateo ang gilid ng kanyang labi. I find it hot and tantalizing but his actions don’t suit the situation. I am obviously terrified by him right now. Anong vampire vampire ang pinagsasabi niya? Baliw siya, baliw! Paatras pa rin ako ng paatras sa kanya hanggang sa nasagi na ng paa ko ang sofa na nasa likod ko. Dead end na para sa akin. Well, not really. Bahagya akong lumingon sa likod ko para tingnan ang dulo ng sofa at doon magtago. Subalit hindi ko na ito nagawa dahil bigla na lang akong hinatak ni Mateo palapit sa kanya sanhi para mapayakap ako sa katawan niya. Itutulak ko na sana siya nang hawakan at pisilin niya ang sugatan kong kamay, sanhi para mapangiwi ako sa sakit. "O-Ouch! Ow! Bitaw—" I tried to struggle to free my wounded hand pero nanigas ako sa sunod niyang ginawa — bigla niya akong hinalikan. Hinampas ko sa abot ng makakaya ng lakas ko ang braso niya. Hindi lang pala siya psycho, manyak din siya. But I notice a strange thing, his mouth taste sweet and juicy, but with a little hint of alcohol. Higit sa ininom kong juice kanina ay mas malapit ito sa lasa ng wine. Natigil ang pagpupumiglas ko, and out of nowhere, I suddenly have the urge to seize his lips. I never have become this aggressive during a kiss. Kahit marami at iba't ibang labi na ng mga aktor ang natikman ko ay niisa wala pa akong natikman na sing tamis ng labi ng manager ko. Kumapit ako sa leeg ni Mateo. Gumapang sa likod ng ulo niya ang kamay ko at idiniin pa ito ng husto. Kasabay nito ay ang pagtiyad ko para maabot ang labi niya. I sip every last drop of sweet juice on his lips. I even licked his lips clean when the taste started to disappear. "You seem to like how I taste," bigkas niya na siyang nagpabalik sa akin sa realidad. Naitulak ko siya ng malakas nang makita ang pulang-pula niyang labi. Goodness. Ako ba ang humigop dyan? "Why don't you look at your hand," aniya nang hindi na ako nakapagsalita sa gulat. Sinunod ko naman siya at tiningnan ang kanang kamay ko. "Not that," sabi niya, “that one,” wika niya at tinuro ang kaliwa kong kamay na may sugat. I immediately look at it. I gasped in shock. "'Y-Yung sugat ko," hindi makapaniwala kong mutawi. "Is that enough as an evidence?" tanong niya sa akin na may natitira pang konting dugo sa labi. That's when I realized that it wasn't his lips that's tasty, but it was the blood. Should I ask him about it to make sure that I am thinking the right thing?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD