Season 1: Chapter Five

2087 Words
M A X I N E "Give it a try. Okay lang naman sa akin na lampasan mo ang serye kong ‘yon. It's not like it is the only high rating drama I starred." This is the last statement I uttered before feeling dizzy. Sa hindi malaman na dahilan ay bigla na lang akong nahilo. Pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko, pero kahit ganoon ay tila nakalutang pa rin ito. Nagpasuray-suray ako. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa dingding para doon sumandal. Inangat ko ang ulo ko para makita si Stella. Nakasandal pa rin siya sa lamesa at pinapanood lang ako. I don't know how I look right now, but I hate being weak in front of my rival. That's why I am trying my best to get back on my feet, literally. Huminga ako ng malalim para kumalma, ngunit bale-wala ito dahil lumalala ang pagkahilo ko at bumigat lang lalo ang pakiramdam ko. Nauuhaw ako. Nakaramdam na rin ako ng panlalamig ng pawis. "Are you sick?" Rinig kong sabi ni Stella. Sa totoo lang ay hindi ito ganoon kalinaw sa pandinig ko, nagmistulan lang na nasa malayo ang tunog ng boses ni Stella. I am about to collapse. I know it. I can feel it. I was thinking to grab a chair to sit on. Pero nandito si Stella, kailan kong pumunta sa lugar na wala siya. Iniisip ko pa lang ito ay mukhang imposible ko na itong magawa dahil hindi ko maigalaw ang paa ko. Umikli ang paghinga ko. Napakapit ako sa masikip kong dibdib. Ramdam ko rin ang malamig at tagaktak kong pawis. Wala na. Hindi na lang malabo ang paningin ko, dumidilim na rin ito. And when I finally took a single step, I felt my body collapsing. I am so prepared of the painful impact. I am so prepared of being unconscious, and the humiliation in front of Stella. But then a hand extended to my waist to catch me. "W-What the h-hell, where w-were you?" mahina kong wika kay Mateo. He doesn't look concern, but instead he is literally looking down on me. I hate seeing that arrogant and handsome face but to land on his chest is definitely better than on the hard floor. "Your manager is looking for you, Stella," saad ni Mateo. "Oh… Thanks, I'll take my leave," sambit naman ni Stella. Nakapikit na ang mga mata ko kaya hindi ko na nakita ang itsura ni Stella. Pero narinig ko ang tagaktak ng sandals niya at kalabog ng sliding door ng conference room. Paglabas naman ni Stella ay hindi na kumibo pa si Mateo at binuhat na lang ako para iupo sa silya. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa pisngi ko na bigla na lang hinawakan ang labi ko at inangat ang baba ko. Napamulat naman ako ng mata. I saw him seriously looking inside my mouth. I don't know what he is up to, but it is just strange of him to even check my mouth. "Ano ba," mutawi ko sabay hawi ng kamay niya. It was actually so weak that it didn't even moved my manager's hand. Imbes ay sumabit lang ito sa braso niya. Nagmistulan nga talaga akong lantang gulay dahil sa kawalan ng lakas. Habang nasa upuan ay may kinuha sa dala niyang bag si Mateo. Isang 8-ounce na bote ng kulay pulang inumin. It looks thick and vibrantly red. Binuksan niya ito at ibinigay sa akin. "Ano 'to?" tanong ko. Nag-aalinlangan akong kunin ito dahil sa suspicious na packaging nito. Kulay puti ito na may kakaibang mga letra. Hindi ko ito naiintindihan. Generally, the bottle is suspicious. It has a midnight red liquid inside, but the bottle is similar to the fresh milk bottles I buy in the grocery. Idagdag pa ang hindi maintidihan na mga letra na nakasulat sa packaging. I supposed it’s a foreign language. "Hindi ba ako mamamatay dito?" "Just drink it," bulalas ni Mateo. I don't want to drink pero bigla na lang ulit akong nakaramdam ng pagkauhaw. Kaya hinablot ko na sa kanya ang bote. Inamoy ko muna saglit ang inumin, it smells good. Like the freshly juiced grapes. I was hesitant at first but then I quickly gulp it empty when a tiny portion touched my lips, allowing me to have a taste of it. "Ang sarap," bulong ko habang nakatitig sa bote. I'm still trying to figure out what language is the packaging. "Anong inumin 'to?" tanong ko kay Mateo, "medyo familiar ang lasa sa akin... Nope. Super familiar niya. Ano 'to?" sambit ko. "Perhaps it's natural for you to remember the taste since that would be your favorite drink from now on," aniya bago tumayo. His words came out strange to me. Paano naman kasing hindi kung sinasabi niya na magiging paborito ko na itong inumin? Para bang sigurado siya na manyayari ito. Palabas na sana siya ng conference room nang natandaan ko ulit ang pangyayari kagabi. Noong nahilo rin ako kagaya ng pagkahilo ko ngayon. Natatandaan ko rin na nandoon si Mateo, it was too vivid. His warmth of his hands and the taste of the juice I drank that night. That dream was too lucid that even now I keep thinking if it was real. "Were you in my room last night... sir?" biglaan kong wika. Dahil sa curiosity ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong tungkol dito. Pero baka nagkakamali lang ako, because Mateo went to my house today without saying anything. Napahinto sa paglalakad palabas ng silid ang manager ko. Lumingon siya sa akin na nakakunot ang noo, tapos ay muling sumeryoso ang tingin. "Ah, never mind. Baka nga panaginip lang talaga 'yun," bawi ko, mukha kasing wala talaga siyang alam tungkol dito. Imposible kasi talaga na makapasok siya sa bahay ko na hindi man lang dumadaan ng pinto. Isa pa, hindi niya naman alam ang passcode ng penthouse. He refused to know about it. Because knowing my passcode is like missing an excuse to not to visit me. Hindi ko nga raw kasi siya babysitter so he doesn’t have to constantly check me in my house. Tumayo na ako at iniwan sa lamesa ang walang laman na bote ng grape juice na ininom ko. It's still strange that I feel better after having it. "So, you do remember what happened," Mateo suddenly uttered. I froze as I heard him. "E-Excuse me?" "You remember having that last night," pag-uulit niya. Ibig sabihin ba nito ay nangyari talaga ang nangyari kagabi? "Eyy, don't joke around. Hindi ko pa nga sinasabi kung ano ang nangyari kagabi. Hindi mo—" Natigilan na naman ako. Paano niya nalaman ang tungkol sa grape juice kagabi? Although it tasted more like a wine pero malapit-lapit na rin ang lasa ng dalawa. I look at him in shock then he scoffed. "You're surprised? I reckoned you'll be." Tumalikod ulit siya at tuluyan nang lumabas ng silid. Nagmadali akong sundan siya sabay bulalas ng, "T-Teka! Ano ba ang ginawa mo kagabi? Paanong nakap—" "If you want to know what kind of drink you just had, you better finish your schedule today first," pahayag niya. I got the feeling I know what drink that was. Blood. I remember biting Mateo last night, but because I was also delirious and weak, I cannot tell if I am right. Pero dahil sa pulang-pula na inumin kanina napaisip tuloy ako na baka tama ako ng hinala. Kaya lang, paano at saan naman sila makakakuha ng ganoon karaming dugo? Imposible naman ata na maging dugo ‘yun. It was even stored in a glass bottle. Baka nakagat ko lang talaga si Mateo at pinainom niya ako ng juice pagkatapos. Kung ano-ano na lang kasi itong mga nakikita ko. * * * May isang schedule lang ako buong hapon, at ito ang pictorial ko sa isang fashion magazine. It's really hectic buti na lang at dumating si Lourdes bago magsimula ang pictorial. Napagdesisyunan niya raw na pumasok sa trabaho nang dumating ng maaga sa ospital ang isa pa niyang kapatid para palitan siya sa pagbabantay. Magdamag din akong babad sa mainit na ilaw ng studio. Nakailang palit na rin ng outfit at nakahigit isang daang pictures na. In short, I am pretty preoccupied. Yet I can't still get rid of the words my manager has said to me. "If you want to know what kind of drink you just had, you better finish your schedule today first." For some reason I am extremely motivated today because of my curiosity. Ano nga bang uri ng inumin 'yun?" "It's a wrap!" anunsyo ng photographer matapos niyang icheck ang mga nakuha niyang litrato. "Ma'am, damit niyo po," salubong sa akin ni Lourdes pagpasok ko ng dressing room. "Nasaan si Ma— ang manager ko?" Nagpalinga-linga ako para hanapin sa maliit na dressing room ng studio si Mateo. Baka kasi tinakasan na ako nun. "Nasa labas po, ma'am. Kausap 'yung producer." "Oh," mutawi ko saka kinuha ang damit ko. Kagyat lang akong nagbihis. Nagtagal kasi ang shoot, we ended up finishing by 5 PM, instead of 3 PM due to a wardrobe malfunction. Nakalimutan kasi ng assigned staff na dalhin ang isang outfit ko. Mabuti sana kung extra lang iyon, eh nagkataon na isa sa three main gowns ang naiwan kaya we have to wait an hour for it to be delivered in the studio. Iyon siguro ang dahilan kung bakit kausap ni Mateo ngayon ang producer. Maya-maya lang ay may kumatok sa dressing room, pumasok si Mateo na kalmadong-kalmado ang itsura. "Mr. Lee extended his deepest apologies about the delay," pahayag niya sa akin. Ibinagsak niya ang sarili sa kaisa-isang sofa ng dressing room at muling sinabi na, "He wanted to have a meal with you to make up with it, but you have an appointment with me after this that's why I declined it." Mukhang hindi niya nakalimutan ang pangako niya. Pagkatapos kong magpalit ng damit at magpaalam sa mga staff ay kaagad na kaming umalis ng studio. Noong patungo kami sa parking lot kanina ay tinanong ko si Mateo kung bakit wala pa rin si Ran, doon pa lang niya binaggit na whole day pala ang schedule nito sa isang artist namin kaya naman siya pa rin ang maghahatid sa akin pauwi mamaya. "Uh sir, idrop niyo lang po ako sa may City Hospital," sambit ni Lourdes kay Mateo, "Ma'am Maxine, hindi muna ako makakapunta ng penthouse mo, ha. Mga tatlong araw lang naman," paalam naman niya sa akin. Matagal ko nang personal assistant si Lourdes. Apat na manager na ang dumaan sa akin pero nanatili pa rin na si Lourdes ang personal assistant ko. Sir Axel hired her, masipag siya at matiyaga kaya naman nagtagal siya sa akin. Sumaglit na nga kami sa ospital at doon na ibinaba si Lourdes. Ngayon ay kami na lang ulit dalawa ng manager ko sa loob ng sasakyan. Hindi siya nagsasalita. Tiningnan ko ang rear view mirror para mapansin naman niya na nandito pa ako. Pero kahit anong titig ko ay hindi niya pa rin ibinabalik ang tingin ko. I got tired getting his attention. Sumuko na ako at sumandal na lang sa upuan ko. Nagawi sa labas ng bintana ang mata ko nang mapansin ko ang pamilyar na mga gusali sa daan. "Paanong nandito tayo eh 'di ba kagagaling lang natin sa ospital para ihatid si Lourdes?" sabi ko. Magkaibang ruta kasi ang ospital at ang daan papunta sa penthouse. Oo. Patungo kami sa bahay ko kaya pamilyar sa akin ang mga gusali sa paligid. Titigil na sana ako sa pagrereklamo at baka nagkataon lang ito pero nang pumasok si Mateo sa parking lot ng penthouse ay doon ko na nakumpirma na hindi nga ako nagkakamali. "There's a shortcut around here. You probably don't know because you don't drive." Sa wakas nagsalita na siya, pero hindi ako gaanong masaya dahil insulto lang naman ang lumabas sa bibig niya. "Are you really going to answer my curiosity? Mukhang pinapauwi mo na ako, ah," bintang ko sa kanya. Totoo din naman talaga. Bakit kami nasa building ng penthouse ko kung hindi pa niya ako pinapauwi? Niloloko lang ata ako ng manager kong 'to. "Can you just calm down? We will talk in your house..." Kumalabog ang pinto ng sasakyan sa pagbaba ni Mateo, sunod naman niyang binuksan ang pinto ng passenger seat ng van kung saan ako nakaupo. "Get out of the van," mandar niya sa akin. What the hell, his seriousness suddenly makes me nervous. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD