JOYCE POV Sa buong buhay ko, ngayon ko lang talaga nakita si mama na sobrang saya! Yung literal na para siyang nanalo sa lotto. Binilang niya yung laman ng makapal na sobre at aminado ako na malaking pera ang laman nito. Sa tansya ko nga, nasa 20 thousand pesos ito. Samantala yung dalawang necklace, I am not sure kasi never naman akong tumingin ng ganyang mga mamahaling alahas. Bago pa nga sila umalis, nagbeso pa sila mama at tita sa harapan naming dalawa ni Aldrin. Nasa labas kami at nang makaalis na ang sasakyan nila, dito na naging seryoso ang mukha ni mama sa akin. "Alam mo Joyce, hindi ako natutuwa sa mga inaasal mong babae ka!" "Ma? Bakit naman po?" tanong ko. "Kasi sana naging mabuti man lang ang pakikitungo mo kay Aldrin at sa mama niya. Dumalaw na nga sila sa atin tapos ga

