JOYCE POV Nagulat ako sa narinig ko kay papa. Naririnig ba niya ang sinabi niya? Bakit wala akong nababakas na galit sa kanyang mukha? Bago pa man ako magsalita, lumingon na si mama sa akin. "Anak wag ka nang mag isip pa, yung papa mo, botong boto na siya kay Aldrin lalo na ng bigyan siya nito ng alak. Nangako siya na hindi na raw niya ito hahabulin pa ng itak at next time daw, aayain na niya ito sa bahay para mag inom sila." Nako talaga! Pati si papa, bumigay na rin. Sabagay, ito na lang din talaga siguro ang kaligayahan nila kaya dapat ay hayaan ko na. As of this moment, siguro kailangan ko nang patawarin si Aldrin sa nagawa niya at tuluyan ko na siyang sagutin. Nakakatuwa lang din kasi malaking bagay na sa pamilya ko ang naitulong nila sa amin. Pagkatapos kong kumain, maligo at ma

