JOYCE POV Halos lasing na lasing na ako, gustuhin ko man na umuwi pero lupaypay ang katawan ko. Mukhang naparami talaga ako ng inom, taliwas sa sinabi ko kay Aldrin. Mabuti na nga lamang at nakinig siya sa mahahabang kwento ko sa amin ni Nathan. "Joyce, gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Aldrin. Tiningnan ko siya, ngumisi ako at sinampal ko siya sa mukha. "Iwan mo na ako rito ano ka ba!? Sigurado akong bubugbugin ako ni Papa sa bahay kapag umuwi akong lasing..." Kukuhain ko na sana ang isa pang bote ng alak subalit inagaw niya ito sa kamay ko at nilagay sa table. "Enough already... anything in excess is bad. May pasok ka pa bukas, ihahatid na kita sa inyo." "Ano ba!? Bakit pa ako uuwi sa bahay kung maalala ko na naman si Nathan? Alam mo ba, kahit saan ko ilingon ang mga mata ko sa ba

