NATHAN POV Samantala, habang nakain kaming dalawa ni Hannah, mayroon namang pumaradang sasakyan bigla sa labas. Napatayo bigla si Hannah. Pumunta siya sa labas kung saan may pumaradang magarang suv na hindi ko nakita sa Pilipinas. Mula sa suv, lumabas ang isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na coat. Puti ang balbas niya pero feeling ko ay isa siyang Pilipino base sa kanyang hitsura. Nag bless pa si Hannah sa kanya at nagyakapan pa silang dalawa. Siguro ito na nga ang papa niya. Kinabahan akong bigla. It brings back yung panahon na nanliligaw pa ako kay Joyce, talagang matapang ang tatay niya at literal akong hinahabol ng itak. Pero alam ko naman na wala siyang plano na saktan ako kaya hindi ko siya tinatakbuhan. Kaya kung sakali man na gagawin ito ng papa ni Hannah, hindi n

