NATHAN POV "Ate okay lang ba kung 10k na? Para lang sana pang dagdag ko sa graduation fee ko?" Halos ma highblood ako kaagad sa sinabi ni Junior, "Hoy ano ka ba naman! Ang kapal kapal naman ng pagmumukha mo para manghingi ng ganyan. Akala ko ba 700 lang ang kailangan mo?" "Hahah! Ano ka ba naman Nathan, okay na okay lang naman sa akin kung ganoon kalaki ang perang hinihingi ng kapatid mo. Basta't related sa pag aaral, wala akong problema. Mahirap mag aral na wala kang pang gastos. Although kahit na hindi ko yan naranasan, maraming tao sa paligid ko ang mayroong ganyang sitwasyon kaya wag kang mag alala." "Ate pwedeng pa gcash na lang?" sunod na tanong ni Junior na masarap batukan. Lagot talaga ito sa akin mamaya kapag dalawa na lang kaming mag uusap. Sisiguraduhin ko na tatadtarin ko s

