JOYCE POV "Nako mukhang mama's boy ka ata ha?" sambit ko, ayaw ko pa naman ng lalaking mama's boy dahil hindi independent ang lalaki. Si Nathan, kahit malapit siya sa family niya never naman siyang naging mama's boy. "Bakit ano naman ang pagiging masama sa mama's boy? Aaminin ko, close talaga ako kay Mama at siya ang naging dahilan kung bakit naging successful lahat ng mga negosyo ko kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kaya naniniwala talaga ako na mama knows best. Dapat nga matuwa ka pa sa akin dahil malapit ako sa parents ko." "Magmaneho ka na nga lang jan," sambit ko. Isang oras ang nakalipas, sa wakas ay nakarating na rin kami sa isang napakagandang resort. Ang ganda ng facade nito at dalawa pa ang swimming pool. Medyo kaunti palang ang tao sa loob at ang pinaka important

