NAPAUNGOL si Cielo nang makita ang message sa kanya ni Rocco nang magising siya. Picture nito iyon na nakasakay ng eroplano. Ibig sabihin lang noon ay tumuloy na nga ito pagbalik sa Sicily. Okay at tanggap naman ni Cielo na hindi palaging kasama niya si Rocco. Pero mahirap rin pala, lalo na kapag wala ito sa mga panahong kailangan niya. Masama ang pakiramdam niya ngayong araw. Para siyang nilalagnat. She is longing for attention and some company. Gusto niyang may mag-alaga sa kanya. Pero dahil wala naman ang lalaking tanging pinalapit niya sa kanya, siya na lang mag-isa. Ginusto ko ito... wika ni Cielo sa isip-isip niya. Bumangon na siya. Wala naman siyang choice. Masama man ang pakiramdam niya, kailangan pa rin niyang alagaan ang sarili. Hindi tama na mag-inarte siya kay Rocco. Isa pa,

