NAPAUNGOL na naman si Cielo nang magising siya. Kakawala lang ng lagnat niya kagabi. Ang gusto sana niya ay matulog pa. Kailangan niyang maka-recover. Pero mukhang hindi iyon ang gusto ng sino man na tao na nasa labas ng bahay. Naka-ilang door bell na ito. Ayaw man na bumangon ay napilitan si Cielo. Mukhang wala kasing balak na tumigil ang nangugulo man na iyon. Inaantok pa na nilabas niya ito. Pero nang makita kung sino ang nasa labas ay nawala lahat iyon. "Stella..." Hindi maintindihan ni Cielo ang dapat na maging reaksyon nang makita ang matalik na kaibigan. Nawalan na sila ng contact sa isa't isa. Hindi na rin naman niya ginusto dahil kahit alam niyang mali, hindi pa rin niya maiwasan na sumama ang loob sa kaibigan. Masakit kasi na ito ang babaeng involved kaya nasira sila ni Rocco

