35

785 Words

TINAWAGAN ni Rocco si Cielo kinagabihan. Kinumusta siya nito at hindi niya naggawang makipagsinungaling. "I-I had a fight," "Ha? Bakit? Kanino? Nasaktan ka ba?" may pag-aalala at takot sa boses ni Rocco. "I'm fine," "Are you sure? Wala bang masakit sa 'yo? Bakit hindi mo itinawag kaagad sa akin ang nangyari?" Huminga nang malalim si Cielo. "Dahil naguguluhan ako..." "Saan?" "Sa ating dalawa. Sa 'yo..." Napapikit si Cielo. Bumabalik na naman sa isip niya ang pagkompronta sa kanya ni Stella. "I don't get it. Ano ba ang nangyari?" "Nagpunta rito si Stella..." Kahit masakit na alalahanin, kinuwento ni Cielo ang mga nangyari. "You believed her?" Natahimik si Cielo. "You believed her," conclude ni Rocco. Pain is in his voice. "Bakit ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD