"THIS is very special. Take care of it," wika ng ama ni Rocco nang iabot nito sa kanya ang ruby pendant necklace. "This is for what?" Kunot noong tanong ni Rocco. Nagulat siya dahil hindi naman niya iyon hinihingi sa ama. "For your special girl." Ngumiti ang Daddy niya. "Your nonna used to wear that necklace a lot. Palagi niyang kinukuwento sa akin na ito ang paboritong bigay sa kanya ng Lolo mo. Minana rin kasi ito ng Lolo mo sa mga kanunuuan pa niya. It is always given to the wife," "Wife," a warm hand touched Rocco's hand. Masarap sa pakiramdam na ibigay nga iyon kay Cielo na iniisip na magiging asawa niya ito balang araw. Pero kaagad rin na napalitan ng sakit iyon nang maalala ang naging usapan nila ni Cielo kanina. Mapait na napangiti lang siya. "What's wrong?" "Maaga pa para sa

