NAPAPALAKPAK si Cielo nang makita ang kabuuan ng restaurant na inayos niya. It looks so nice and perfect---kagaya ng pagtingin niya sa lalaking balak niyang sorpresahin ngayon. "Sigurado akong magugustuhan ni Rocco itong ginawa mo," ngiti-ngiti rin naman na wika ng ama niya. Ito ang naging katulong niya sa pag-aayos ng dinner na inihanda niya kay Rocco. "Thanks, Dad. I knew I have to make it up for him," nakangiting sabi niya at napayakap sa ama. Masaya siya na kahit gahol na sa oras, successful pa rin ang ginawa niyang surprise para sa pagsalubong kay Rocco. Nagtext sa kanya si Rocco na pabalik na ito sa Pilipinas. Hindi niya inaasahan na magiging mabilis ang pagbisita nito sa bansa. Pero hindi na siya nagsayang pa ng oras para paghandaan ang pagsalubong rito. Niyakap rin si Cielo ng

