NATUNAW ang puso ni Cielo nang makita ang mukha ni Rocco. Nakiusap siya kay Sid na sunduin si Rocco sa airport at dalhin sa restaurant para sa surprise welcome party niya para sa kanilang dalawa. "Anong meron?" "Kailangan bang may okasyon para i-surprise ka? I just want you to be happy," "Hmmm..." "Hmmm... what?" "Never mind. Nagugutom na ako. Puwede bang kumain na tayo?" "Of course. It's one of the purposes of the welcoming party," Tumango si Rocco. Nagsimula na silang kumain. Habang kumakain ay pinagkuwento niya ito ng highlights ng trip nito sa Sicily. Nagkuwento ito pero mahahalatang walang gana. "You're sad," Huminga nang malalim si Rocco. "Iniisip ko pa rin ang naging phone call natin. It hurt me that you don't trust me." "I'm sorry. I admit that it was my mistake. Pero gus

