23

514 Words

"NAKU, umalis po si Sir, Ma'am..." imporma ng isa sa mga staff ng resort nang tanungin ni Cielo kung nasaan si Rocco. "Ganoon ba? Alam niyo ba kung saan siya nagpunta?" Umiling ang staff. "Wala po siyang sinabi eh." "Kung kailan raw siya babalik?" Umiling ulit ito. Nalungkot si Cielo. "Sige, salamat na lang..." Tumango ang staff at tinalikuran na siya. Huminga siya nang malalim para alisin sa dibdib ang sakit na nararamdaman. May hinala na siya kung bakit umalis si Rocco: iniiwasan siya nito. Hindi sinagot ni Rocco ang tanong niya kung puwede pa nilang ibalik ang nakaraan. Pagkatapos rin noon ay naging tahimik na ito lalo. Nang makabalik rin sila sa resort ay pinayuhan na lang siya nito na magpahinga. Hindi ito nagpakita sa kanya kagabi at ngayon ay nalaman niyang umalis pa pala ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD