NAPAKUNOT-noo si Rocco nang marinig ang malakas na tawanan at hagikgik habang papunta siya sa kuwarto ni Cielo. Hindi siya mapakali kaya kahit aminado siya na iniwasan niya ito ngayong araw, pinuntahan pa rin niya ito sa kuwarto nito bago ito matulog. He just personally wanted to know if she is all right. At mukhang higit pa sa "all right" ang pakiramdam ngayon ng babae nang makita niya. Nasa labas ito ng kuwarto habang may isang lalaki naman na kausap ito. May pagpalo pa ito sa braso ng lalaki na para bang close na close ang mga ito. Napatiim-bagang si Rocco. Oo, iniwasan niya si Cielo buong maghapon dahil naisip niyang iyon ang makabubuti. Naguluhan kasi siya sa pag-amin nito ng gusto nito sa kanya. Pero malayo sa mabuti lang ang naramdaman ni Rocco. Buong araw na masama ang mood niya

