ANG GANDA ng ngiti at ang gaan ng pakiramdam ni Cielo nang mapatulog niya si MM. Anak ito ng panganay na kapatid ni Rocco na si Mikhail. Inihabilin muna nito sa pamilya ang bata dahil gusto raw muna nito at ng asawang si Sari na mag-date. Kakabalik lang kasi mula ni Mikhail mula sa flight nito. Isang international pilot ang lalaki. Buong araw na nasa mansion si Cielo. Noong una ay nagkukuwentuhan lang sila ng pamilya ni Rocco hanggang sa dumating si Mikhail. Simula noon ay nagpresinta siya na alagaan ang bata dahil nalaman niyang may lakad ang ina ni Mikhail. Ang kambal na sina Jaxon at Jayden naman ay pasok sa school. Estudyante pa ang mga ito dahil kumukuha pa lang ng kursong Doctor. May pasok rin sa trabaho ang step-father ni Rocco. Sumandaling bisita lang naman ang sumunod na kapatid

