NAPAKUNOT-noo si Rocco nang pumasok sa opisina niya ang isang hindi pamilyar na babae. Wala raw itong appointment sa kanya pero gusto siyang makausap ayon sa sekretarya niya. Mapilit raw ito kaya hinayaan na niya. "Sino ka?" Ang kaninang malanding ngiti ng babae ay nabawasan. Naging straight ang labi nito. "You're really heartless, Mr. Di Stefano," Nagkibit-balikat si Rocco. "I'm just honest. Hindi kita kilala," "We hooked up one month ago in a bar in Manila. Ang sabi mo sa akin ay tatawagan mo ulit ako. I waited. But I didn't even see a try. Ang tagal kitang hinanap. Nag-alala ako," "I've been busy," balewalang wika ni Rocco. Ibinaling ulit niya ang tingin sa paper na binabasa. Kailangan niyang matapos ang paper works kaagad dahil may lakad sila ngayon ni Cielo. "And I'm busy right n

