"I MISSED you..." Hindi maintindihan ni Cielo kung ano ba ang dapat niyang maging reaksyon sa sinabing iyon ni Rocco. Gusto niyang ngumiti dahil masaya siya na nami-miss rin siya nito. Pero naiiyak rin siya dahil nalulungkot siya na kailangan pa nilang ma-miss ang isa't isa. Apat na araw pa lang nawawala sa tabi niya si Rocco ay nangungulila na kaagad siya rito. Dalawang beses na nga siyang naiyak dahil sa lungkot. Sa huli ay napaiyak rin si Cielo. Nagulo naman ang mukha ni Rocco. "I know you missed me, too, but please stop being childish," Huminga nang malalim si Cielo. Pinunasan niya ang mga luha niya. "Ayaw ko lang na maging mag-isa. Nalulungkot ako. Alam mo naman na kamamatay rin ni Mommy..." "Alam kong nalulungkot ka. Naiintindihan ko, lalo na sa nangyari sa Mommy mo. I'm sorry th

