15

547 Words

NAPABUNTONG-hininga si Cielo nang makitang umiiyak na naman ang Mommy niya. Ala-una pa lang ng hapon pero naka-limang iyak na ito simula nang magising kaninang alas otso. Hindi na niya kailangang tanungin pa kung bakit. It was all because of her Dad. Pero kahit nagsasawa na, lumapit pa rin si Cielo. Hinagod niya ang likod nito. "Tahan na. Nandito pa naman ako 'di ba? Umuwi pa nga ako para sa 'yo. Hindi kita iiwan. Promise 'yan?" "Talaga? Ako lang love mo, ha?" Natatawang niyakap ni Cielo ang ina. "Si Mommy talaga. Parang bata," "I want to be selfish, Anak. Gusto ko akin ka lang at baka maagaw ka rin sa akin ng iba kapag hinayaan kitang ma-in love sa iba," Ngumiwi si Cielo. "Bawal ako na mag-boyfriend, ganoon?" "Meron na ba?" Napaisip si Cielo. Pinagbigyan niya si Rocco sa gusto nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD