NA-EXCITE si Cielo nang makitang tinatawagan siya ni Stella. Simula nang umuwi siya sa Pilipinas ay bihira na niyang makausap ito. Busy raw kasi ito at dahil magkaiba pa ang oras nila ay mas nahihirapan silang mag-usap. Siya lang rin ang nagri-reach out sa kaibigan kaya masaya siya na ngayon ay tinawagan siya nito. "Uy, mabuti naman at napatawag ka. Ano na? Kumusta ka na?" Masaya ang tono na sinagot siya ni Stella. "Ito, maayos naman. Sobrang ayos, actually. May good news ako sa 'yo!" "Talaga? Ano 'yun?" Tumili si Stella sa kabilang linya. "I'm pregnant! Magiging ninang ka na!" "OMG! Totoo? Pero teka, sino ang ama?" Walang boyfriend si Stella. Iisang lalaki lang ang bukang bibig nito---si Rocco. "Sino pa ba? Alam mo naman kung sino ang iisang lalaking kinahuhumalingan ko. Sa kanya la

