Prologue
"Ms.Fernandez!" umalingaw-ungaw sa buong sulok ng classroom ang pangalan ko dahilan upang mabalik ako sa ulirat. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Prof. Lawrence Madrigal ang strict naming math teacher.
Ngayon ko lang napansin na nasa akin na pala ang atensyon ng lahat pati ng mga classmates namin. Sa subrang pagka-distracted ko ay hindi ko na napansin pang ilang beses na pala akong tinatawag.
"Are you with us, Ms.Fernandez? Wala ka na naman yata sa wisyo. Don't tell me you're thinking about some other men? Hmn?" inis niyang tanong, batid sa boses ang panganib kapag umamin akong lalake nga ang iniisip ko kaya kanina pa akong wala sa sarili.
Napayuko na lang ako at napakamot sa sariling ulo. Rinig ko ang tawanan ng mga classmates ko. Wala akong magawa dahil Totoo naman kasi ang sinasabe ni Prof.Lawrence. Lalake nga ang iniisip ko. Iniisip ko ang online boyfriend ko. Hindi ako makapagfocus kakaisip rito kanina pa.
Rence ang pangalan ng online boyfriend ko, 2 years na kaming may relasyon at sa dalawang taon naming magkarelasyon ay hindi pa kami nito nagkikita sa personal. Nihindi ko nga man lang alam ang itsura niya, ang alam ko lang ay mas matanda ito sa akin ng limang taon at may trabaho na.
Nakilala ko lang naman siya sa isang dating app ng mabored ako. NBSB kasi ako at siya ang first boyfriend ko, sa kagustuhan kong magka-experience para hindi naman ako magmukhang kaawa-awa sa mga friends ko ay naisipan kong maghanap ng boyfriend online hanggang sa makilala ko si Rence.
Noong una ay nakikipaglandian lang ako rito as a joke hanggang hindi ko namalayan na umabot na ng ilang linggo, buwan hanggang sa lumipas ang taon. Ngayon naman ay gusto nitong makipagmeet up bilang 2nd year universary namin at hindi ko alam ang gagawin kaya kagabe ay nakipagbreak ako rito sa inis ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siyang kinakausap.
"P-Pasensya na po, Prof," paumahin ko.
Inismiran lang ako nito. "Your apologized can't change anything. Go to my office after class. I need to talk to you about your academic performance, Ms. Fernandez."
Parang gusto na lang maglumpasay sa sahig nang marinig ang sinabe niya. Graduating na ako sa course na accountacy kaya importante sa akin ang grades ko at base sa tono ng pananalita niya ay mukhang kailangan ko ng magdasal-dasal.
Please, Lord. Kahit pasang awa lang. Okay naman ang mga grades ko sa ibang subject sadyang dito lang talaga kay Prof. Lawrence may sabit dahil mababa itong magbigay ng grades sa mga studyante niya.
Kilala kasi si Professor Lawrence Madrigal sa university namin hindi lang dahil gwapo siya at hot kung 'di dahil masyado itong strict at perfectionist. Hindi ko na mabilang kung ilang studyante na ang napaiyak nito. Subrang baba rin nitong magbigay ng grades.
Naupo ako sa upoan ng bumalik siya sa pagtuturo sa harapan. Hinarap ako ni Natasha, ang nag-iisang bestfriend ko na nakaupo sa katapat ko lang na upoan.
"Yare ka Elaiza. Ginalit mo na naman si Professor Pogi," ngising turan nito, nang-aasar pa. "Dahil jan line of 7 ka—"
"Ms.Alcantara. Can you please stop chichating with Ms.Fernandez and answer all the questions in the black board?"
Pinigilan ko ang matawa ng malakas nang tawagin siya ni Prof. Napapakamot na lang sa ulo si Natasha at tumayo para sagutin ang mga questions na nasa board.
Ang bilis naman ng karma.
Sa totoo lang ay nacu-curious na rin akong makilala si Rence sa totoong buhay. Kahit pa online lang kami nitong nagkakilala ay hindi ko naman matatanggi na naging malaking parte na rin siya ng buhay ko.
I wonder what he looks like? Gwapo kaya siya? Minsan na kami nitong nag-audio call at inaamin kong napakamanly ng boses nito parang boses lang ni Professor Lawrence...wait what? How can I compared my Rence to Professor Lawrence?! Magkaiba sila noh! Di hamak na mas mabait at mas malambing ang Rence ko kesa sa cold hearted na si Prof. Lawrence.
Pinagmasdan ko ang gwapong lalake na nasa harapan ko. Inaamin kong gwapo si Professor Lawrence. Kahit na strict ito at parang laging galit sa mundo ay napakahot rin nito.
Nagsimula siyang magsulat sa bored dahilan upang magtungo roon ang atensyon ko.
Sabi nila kapag malake daw ang kamay, malake rin ang batuta. Malaking tao si Professor Lawrence kaya sigurado akong malake rin ang batuta nito. Ano kayang feeling ng nakahiga sa ilalim niya habang binabayo niya mula sa itaas—s**t! Mukhang kailangan ko ng uminom ng holy water!
Tandaan mo, Elaiza! May boyfriend ka—or should I say ex-boyfriend dahil nakipagbreak ako kay Rence kagabe lang! Tyaka as if naman papatulan ni Prof noh! Kahit yata maghubad ako sa harapan nito ay hinding hindi siya tatayuan ng monoy sa akin.
Nang mag-uwian ay magkasama kaming lumabas ni Natasha upang. Nagtungo kami sa cafeteria ng paaralan bago umuwi.
Inilapag niya ang tray ng pagkain sa harapan ko. "Kamusta naman kayo ng ex mo?"
Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam, Nat. Gusto niya ng makipagmeet up kaya nag-away kami kagabe at nakipagbreak ako. Hindi ko alam ang gagawin. Paano kapag hindi niya ako nagustuhan or pangit pala siya at di nagto-tootbrush? Paano na lang kung—"
"Ang nega mo naman Elaiza! Wag ka nyang ganyan. Malay mo naman kasing gwapo pala siya ng professor natin, 'di ba? Though I doubt that. Wala na yatang mas gwa-gwapo pa kay Professor Pogi," kinikilig niyang turan.
"Ayan ka na naman sa pagnanasa mo kay Prof. Lawrence. Siguro ilang beses mo na siyang na r-pe dyan sa utak mo!'
Nang-aasar lang niya akong tinawanan. "Palibasa kasi virgin ka pa kaya wala kang alam sa mga ganito. Masyado kang loyal sa ex boyfriend mong nowhere to be seen."
"Manyak ka lang talaga, noh," tumayo ako.
"Teka, saan ka pupunta, Elaiza?"
"Sa office ni Professor Lawrence, isusumbong ko siya." Bago pa ako nito pigilan ay nagmamadali akong tumakbo papalayo.
"Gaga ka, Elaiza! Bumalik ka rito!'
Natatawa lang akong nagpatuloy. Wala naman akong balak na isumbong siya. Inaasar lang siya. Ang totoong rason kaya ako magpupunta sa opisina ni Prof ay dahil sa sinabe nito sa akin kanina na kakausapin raw ako nito tungkol sa grades ko.
Saglit kong inilabas ang phone ko mula sa hoddie jacket na suot para tignan ang mga text messages. Nanlaki ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang maraming notification galing kay Rence.
Hindi ko man lang napansin ang tumawag ito. Hindi kasi ako nagbubukas ng phone kapag nasa klase dahil ipinagbabawal ito ni Prof. Wala rin kasi akong ganang makipag-usap rito dahil pipilitin lang ako nitong makipagmeet up sa kaniya.
Akmang bubuksan ko ang notication ng bumukas ang pinto ng opisina ni Professor Lawrence at lumabas mula roon si Ma'am Angela, ang english teacher namin.
"Miss Elaiza Fernandez?" taka niyang bati.
Ipinasok ko ang phone sa hoddie ng jacket.
"Good afternoon po, Ma'am Angela," bati ko kay Ma'am. "Nandyan po ba sa loob si Professor Lawrence Madrigal?"
Tumango siya. "Bakit may problema ba?"
"Wala naman po, pinapapunta lang ako."
"Kung ganon, nasa loob si Prof. Pero Mamaya mo na lang siguro siya kausain, Elaiza."
Nacurious ako sa sinabe nito. "Bakit po?"
"Mukha kasing bad mood si Professor Lawrence, eh. Kanina pa siya tingin ng tingin sa phone at mukhang hindi mapakali. Hindi yata sinasagot ng girlfriend ang tawag."
Natawa ako sa sinabeng 'yon ni Ma'am Angela. May girlfriend pala si Prof, himala at may babaeng pumatol sa ugali nito. Sana lang ay hindi mabaling sa akin ang inis nito.
"Sige po, Ma'am. Mauna na ako," paalam ko rito at nauna ng pumasok sa loob.
Nang makapasok sa opisina ay natagpuan ko agad si Prof na nakasandal sa mesa nito habang mukhang galit na nagtitipa sa phone nito. Mukhang tama nga ang sinabe ni Ma'am Angela na badtrip nga ito. Nihindi nga man lang nito napansin ang pagpasok ko.
"Professor Lawrence—"
"Damn, Maive. Why are you not answering my text and calls?" inis nitong bulong habang nakatutok ang atensyon sa phone niya. "I promise, when I meet you. I will f**k you hard as a punishment, Maive Cortez."
Natigilan ako ng marinig ang sinabe niya. Maive Cortez, ang pangalan na gamit ko sa dating app kung saan ko nakilala si Rence. Bigla akong kinabahan. H-Hindi kaya? N-No, napaka-imposible naman! Hindi pwede!
T-Tama! Napaka-imposible! Baka marame lang talagang may ganong pangalan sa mundo kaya imposibleng ako ang tinutukoy ni Prof! Imposible rin namang siya si Rence!
Napaayos ng tayo si Prof. Lawrence ng makita ako. "Ms.Fernandez, you're here."
Para bang nagdilim ang aura nito ng makita ako. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yon. Umakto akong parang walang narinig kanina kahit sa totoo lang ay bigla akong kinabahan sa hindi ko alam na dahilan.
"P-Prof... p-pinapunta niyo po ako?"
Naglakad ito papalapit sa akin. Napaatras pa ako dahil sa gulat. Isinara nito ang pinto sa likod ko. Lumakas ang t***k ng puso ko ng marinig ang pagluck niya non.
"There is something important we need to discuse, Ms. Fernandez..." pinatitigan niya ako. "Or should I call you Maive, my love."
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Never ko inakalang sa ganitong paraan ko makikilala si Rence, ang ex boyfriend ko.
"N-Nagkakamali po kayo—"
"Shh.. We shouldn't waste our precious time talking, my love. Just answered my question."
"Q-Question?" naguguluhan kong tanong. "A-Ano namang klaseng tanong?"
Ngumisi siya bago bumulong. "How many kids do you want, love?" at sinalubong ako nito nang isang mapusok na halik.
My teacher, My Ex-Lover...