Broccoli "Si Kier?! As in si Kier na suplado at katrabaho natin noon?!" "Oo nga sabi!" halos inis na sabi ko na dahil paulit-ulit na siya sa pagtatanong. I can understand where Rafa's surprise is coming from though. Ganyan na ganyan din ang reaksyon ko kanina. "Deymmm. Time really do change people huh." mangha pa ring sabi niya. "Kaya wala ka dapat matahin o maliitin sa mundo eh, hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa hiniharap..." dagdag niya habang umiiling. Hindi ko maiwasang tumango bilang pag-sang ayon. "Teka nga bat hindi mo alam yun eh ikaw ang nakipagcoordinate sa kanila." Binigyan niya ko ng 'seryoso ka ba' na tingin bago muling lumingon sa daan. "I told you, company representative lang nila ang pinapadala para i-meet ko. If I know, gusto ka lang talagang i-surprise

