Agad na niyakap ng mahigpit ni Cassandra ang kasintahan pagkatapos na yakapin at kamustahin siya ng kanyang ama. Tumatawang na gumanti ito ng mahigpit na yakap sa kanya. "You okay? Hindi ka ba sinaktan ni ama?" may pag-aalala niyang sipat sa katawan nito na baka may iniinda itong masakit kung tinatago lang nito. Alanganin ito napangiti sabay sulyap sa kanyang ama na nasa likuran lang niya. "Hindi naman niya ko sinaktan,don't worry,nag-usap lang kami," aniya. "Grabe naman sakin ang mahal kong prinsesa," kunway pagtatampo ng ama. Sinimangutan niya ito ng lingunin niya ang ama. Napabaling siya sa kasintahan ng hapitin siya nito at halikan sa gilid ng ulo niya. "I'm fine,my princess.." "Boss?" Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalitang iyun. Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniw

