Manghang-mangha na nakatitig si Frances sa anyong-lobo ng kasintahan. Napakaganda nito. Her blue fur is so fantastic! Tila alon ng dagat ang kulay asul na balahibo nito habang tinatamaan ng malakas na hangin. Nasa itaas sila ng bangin kung saan naroroon ang black forest;ang tirahan ni Zei at kung saan din naroroon ang lagusan patungo sa mundong-Colai. "You are so beautiful,my princess," anas niya habang nakatitig pa rin sa lobo nito. Dumapa ito para maabot niya ang mukha nito. Napapikit ito ng haplusin niya ang mabalahibo nitong mukha. "Napakaganda mo," usal niya. Kahit ilang uLit niya banggitin kung gaano ito kaganda hindi siya magsasawa na sabihin iyun sa babaeng pinakamamahal niya. "Kailan tayo babalik ng mundong-Colai?" untag ng ama ni Cassandra. Kasabay nila itong maghapunan s

