Panay ang ngiti niya habang hinihintay ang Uncle Toni niya sa isang coffee shop sa labas lang ng BSC. Hindi niya makakalimutan ang nangyari kahapon ng magmatch sila ni Cassandra. Damn! She's one of a hell woman! Dahil nag-uumapaw sa pagkamangha niya sa dalaga napaamin tuloy siya ng wala sa oras na in love na siya rito. "Sino nagpapangiti sa pamangkin ko ha?" pagsulpot ng uncle niya sa harapan niya. Masyado ata siya nawala sa sarili sa kakaisip sa dalaga kaya hindi niya namalayan na dumating na ito. "Hulaan ko,babae yan..at malamang ang anak ng boss ko yan?" dere-deretso nitong saad na lalo kinangiti niya. Napailing naman ang uncle niya. "Ayos lang na magustuhan mo siya pero sinasabi ko sayo iba ang babae dito kaysa sa America kaya kung fling lang ang kailangan mo pwede kita ihanap,"

