Isa sa hakbang ay makilala ang lalaking itinakda sa kanya kaya pumayag siya na maging trainor ang isang Frances Ynico sa BSC na walang bayad. Isa yun sa puntos,humble ang lalaki. Agad na kumabog ang dibdib niya ng makita ang binata papasok sa BSC. Ngayon araw niya ipapaalam sa mga istudyante niya ang bagong trainor ng mga ito. Naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng pakiramdam niya. Ice,please! anang ng inner wolf niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago siya tuluyan pumasok na rin sa loob. Nadatnan niyang pinagguguluhan na ng mga bata ang binata. Masaya naman nakikipag-usap ang binata sa mga istudyante niya. "Bagay kayo ni Ate Cass! " kinikilig na saad ng isang batang babaeng istudyante niya. Nanatili siya nakakubli sa gilid ng b****a ng pintuan. Nakita niya ang pagngi

