Muntik ng mapamura si Frances sa gulat ng makita kung sino ang nakasandal sa gilid ng lockers niya pagkasara. Nangunot ang nuo niya bakit hindi niya ata narinig pumasok ito? Ngumisi ito sa kanya. "Kamusta?" Napailing na lang siya saka niya ito sinagot. "Good," aniya. Tumango ito. "Gusto lang kita iwelcome dito sa BSC,ito tanggapin mo para sayo yan," anito sabay abot sa kanya ng kulay asul na bote na may gintong takip. "Salamat,Sir.." pagtanggap naman niya roon. Isa sa magandang hakbang upang mapalapit siya sa dalaga ay maging close sa taong malapit rito. "Espesyal na inumin yan,"saad nito. Pinagmasdan niya ang hawak na bote. It's look weird parang may kakaiba sa bote. " Pero hindi mo agad maiiinom yan hanggat hindi yan nabubuksan ng taong itinakda sayo,"mahiwaga nitong saad na kina

