PRESENT: “Okay, I’m so ready na.” Kinikilig na umikot pa si Melody sa harapan ng mahabang salamin. “Mukha na akong prinsesa.” Taas noong pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Red dress ang suot niya na medyo may pagkakonserbatibo ang tabas. Si Osang pa ang pumili nang isusuot niya dahil ayaw daw nitong may masabi ang kliyente nila. Hindi alam ng mga magulang niya ang tungkol sa date niya ngayong gabi. Malaki ang bayad ng kliyente kaya humingi siya ng isang araw na day off sa boss niya at nagpaalam sa daddy niya na matutulog ng isang gabi sa bahay ng kaibigan niya. Pumayag naman ang kanyang ama dahil kilala nito si Osang at nangako siya na uuwi rin agad bukas. Sa totoo lang ay hindi pa niya nakikita ang kliyente niya. Ang sabi lang ni Osang sa kaniya ay masyado daw naging abala ang la

