bc

Love For Hire

book_age16+
2.8K
FOLLOW
6.8K
READ
drama
comedy
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Itinuturing na isa sa pinakamaganda at matalino sa campus si Melody kaya hindi na nakapagtataka na magulat ang lahat ng maging malapit siya kay Train. May pagka-introvert at nerd kasi ang lalaki na kabaliktaran naman niya. Pero sa kabila ng lahat nang naririnig niya mula sa ibang tao ay pinilit pa rin ni Melody na pasukin ang tahimik na mundo ni Train. Nabigo man ng ilang beses ay nagtagumpay naman siya sa huli at naging close sila.

Mabilis na nahulog ang loob niya kay Train at nang magtapat ito ng damdamin sa kaniya ay walang pag aatubiling sinagot niya ito. Inakala niya na wala silang magiging problema at habang buhay na silang magiging masaya.

Pero nagkamali siya. Dahil dumating siya sa punto na kailangan niyang magdesisyon at iwan ito.

Pagkalipas ng maraming taon ay muling bumalik si Train. Ibang iba na ito sa tahimik at nerd na Train na nakilala at minahal niya noon. Muli ay gusto ni Melody na pasukin ang mundo nito.

Hahayaan pa rin kaya siya ni Train na gawin ang plano niya sa kabila nang ginawa niyang pagkakamali noon?

chap-preview
Free preview
1
PAGOD na ibinagsak ni Train ang katawan sa swivel chair at isinandal ang likod sa backrest niyon. Ilang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya habang dinidiinan ng mga daliri ang magkabila niyang sentido. Halos dalawang oras lang ang tulog niya kaya hindi na nakapagtataka kung parang pinupukpok ngayon ng martilyo ang ulo niya dahil sa matinding sakit. Sa ospital na rin siya natulog dahil ilan sa mga pasyente niya ay kritikal ang kondisyon dahil sa epidemya ng dengue na usong uso na naman ngayong tag ulan. Siya pa naman ang klase ng doktor na hindi mapapakali hanggang hindi niya nakikita na maayos na ang kalagayan ng pasyente niya. Idagdag pa na isa siyang pediatrician, mga bata ang pasyente niya kaya dapat lang na maging maingat at maselan siya pagdating sa kondisyon ng mga ito. Kapag nasiguro na niya na maayos na ang lagay ng mga pasyente ay bumabalik na siya sa pribado at kilalang ospital na pag aari ng pamilya niya. Naroon kasi ang sarili niyang clinic. Maliban sa pagtatrabaho niya sa Quintalla General Hospital ay tatlo o apat na beses din sa isang linggo siyang nagro-roving sa tatlong pampublikong ospital. Pagod na ipinikit niya ang mga mata. May duty pa siya ngayong araw kaya tiyak na mamaya pa siya makakauwi sa condo unit niya. Pagkauwi mamaya ay matutulog na agad siya at magbibilin din mamaya sa sekretarya niya na bandang hapon na siya babalik bukas ng ospital. Kung hindi kasi niya ipapahinga ang katawan ay baka siya naman ang magkasakit dahil sa sobrang pagod. “Yo! yo! yo!” Napilitan si Train na imulat ang mga mata nang marinig ang tinig ng pinsan niyang si Trevor. Tiningnan niya ito ng masama. “What are you doing here?” naiinis na tanong niya. “Naistorbo ba kita?” nakangising balik tanong naman nito sa kaniya. “Hindi ba halata?” naiiritang tumuwid siya ng upo. “Nakita ko ang sekretarya mo sa lobby at sinabi niya sa akin na nakabalik ka na kaya pinuntahan kita.” “Okay…” patamad na sabi niya. “What do you want?” Kilala niya si Trevor. Hindi ito basta na lang pupunta ng opisina niya kung wala naman itong kailangan sa kaniya. Kung tutuusin ay mas abala pa nga sa kaniya ang pinsan niya. Magkaedad lang sila pero masasabi niya na mas malaki ang achievement nito kumpara sa kaniya. Unti unti na kasi itong gumagawa ng pangalan pagdating sa larangan ng medisina. Isang henyo ang tingin dito ng mga kapwa nila doktor dahil sa galing na ipinakita nito bilang heart surgeon. Ang ilan pa sa mga pasyente nito ay kilalang mga personalidad sa mundo. Malaking achievement na rin naman para sa kaniya ang maging doktor. Malaki ang fondness niya sa mga bata kaya mas pinili niyang magpakadalubhasa sa pagiging pediatrician. Sa tingin din niya ay hindi siya nabibilang sa OR o Operating Room kaya hindi siya tumulad sa ibang mga kamag anak niya na pawang mga kilalang surgeon. “Hindi ka na galit sa akin, 'di ba? Napatawad mo na ako sa mga nagawa ko noon sa'yo?” Natigilan siya at mayamaya ay pagak na natawa. “Ano bang sinasabi mo? Mga bata pa tayo noon at matagal ko nang ibinaon sa limot ang mga ginawa mong kalokohan.” Inayos nito ang suot na white coat at mataman siyang tiningnan. Nag iwas naman siya ng tingin dahil sa ginawa ni Trevor. Hindi niya alam kung ano ang gustong iparating sa kaniya nito. Matagal nang nangyari ang tinutukoy nito at ayaw na sana niyang ungkatin pa iyon. “Palagi kitang inaagawan ng gamit noon sa school, naalala mo?” dagdag pa nito. Napangiwi na lang siya. “Yeah.” Si Trevor ang pinakamalaking tinik noon sa buhay niya. Illegitimate child kasi siya kaya hindi na nakapagtataka na hindi naging maganda ang pakikitungo noon sa kaniya ng mga Quintalla. Kahit hindi nagkatuluyan ang mga magulang niya ay hindi naman nagkulang ang daddy niya sa pagsuporta sa kaniya. May ibang asawa ang kaniyang ama at ang kanyang ina naman niya ay mas piniling magpakatandang dalaga na lang at ibuhos ang oras sa kaniya at sa trabaho nito. Nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa atake sa puso ay nagdesisyon ang kaniyang ama na kunin na siya. Matagal na rin kasi itong hiwalay sa asawa at wala naman anak ang mga ito. Mula nang kupkupin siya nito at gamitin niya ang apelyidong Quintalla ay nagbago na ang tingin sa kaniya ng mga kamag anak nila. Mas lalo na si Trevor dahil naging maamo na ito sa kaniya. Hindi naman niya makuhang magalit sa pinsan dahil natuklasan niya na mabait naman talaga ito. Dala lang siguro ng sulsol ng ibang mga kamag anak nila at ng pagiging mga bata nila noon kaya madalas ay nabubully siya nito. Bandang huli ay nagkasundo din silang magpinsan dahil ito ang naging karamay niya ng minsan siyang masaktan sa pag ibig. Si Trevor ang madalas na kasama niya noon kapag gusto niyang magpakalango sa alak para lang makalimutan niya ang mga problema niya. “Bakit mo ba kasi tinatanong ang mga ganiyang bagay? Kung wala ka naman ibang sasabihin na maganda baka pwedeng lumabas ka na muna. Gusto kong matulog dahil may duty pa ako mamaya.” Taboy niya rito. “May batch reunion tayo at next week na yun. Hindi pa ba ibinibigay sa'yo ng secretary mo ang invitation card na para sa'yo?” “Baka bukas pa, busy ako buong araw,” Natitigilang sambit niya. Wala na rin naman siyang pakialam pa. Wala siyang balak na magpunta ng reunion dahil ayaw na niyang maalala pa ang pinakasamakit na pangyayari sa buhay niya. “Hindi ako pupunta,” “Oh, no you can’t say no, my dear cousin. Sinabi ko na sa kanila na pupunta ka.” “Bakit mo sinabi iyon?” asik niya kay Trevor. Hindi niya mapigilan ang pagbangon ng matinding inis sa dibdib niya. “Alam mo ba na pinag uusapan ka nila? Ilang get together ba ang hindi mo pinuntahan? Palagi nilang sinasabi na ayaw mong magpakita sa kanila dahil nahihiya ka pa rin sa nangyari dati. Hindi ka daw kasi makapagmove on.” “Sh~t! Sinabi talaga nila iyon?” Naniningkit ang mga matang ikinuyom niya ang isang kamao. Kung nasa harap lang niya ang ilan sa mga kabatch niya na nagpahirap rin sa kaniya noon ay baka namaga na ang mukha ng mga ito sa suntok niya. Nasaling ang pride niya. Hindi na bago sa kaniya na maliitin ng mga tao dahil sa pagiging anak niya sa labas ng isang kilalang personalidad. Ang kaniyang ama na si Doctor Philip Jose Quintalla ay kilalang magaling na neurosurgeon sa buong mundo. Ang pagiging illegitimate child niya ay nagdulot ng kahihiyan sa pamilya Quintalla. Estudyante kasi ng kaniyang ama ang mommy niya na kumukuha naman noon ng kursong nursing. Nagkaroon ng lihim na relasyon ang mga ito kahit may asawa na ang daddy niya. Nabulgar ang relasyon ng mga magulang niya kaya umalis sa pagtuturo ang kaniyang ama. Nagdalang tao naman ang ina sa kaniya kaya mas pinili nitong tumigil noon sa pag aaral. Lumaki siya na nasanay na sa pang aalipusta noon ng ibang tao. Bunga ng pagkakamali ang tingin sa kaniya ng lahat. Mabuti na lang at palaging nasa tabi niya noon ang mommy niya at binusog siya nito sa pagmamahal. Pero ngayon na malayo na ang narating niya ay hinding hindi na siya papayag na maliitin pa rin siya ng iba. Kahit hindi siya surgeon na katulad ni Trevor ay may ipagmamalaki rin naman siya. Kasama siya sa listahan ng mga hottest bachelors ng taon. Ilang beses na rin siyang nafeature sa mga magazine dahil kasama siya sa listahan ng ilan sa pinakabata at pinakamahusay na doktor ng bagong henerasyon. Nakilala ang Quintalla General Hospital dahil maliban sa magandang serbisyo at de kalibreng mga doktor ay pawang may ibubuga ang mga lalaking Quintalla kung hitsura ang pag uusapan. At kung hitsura rin lang ay hindi siya magpapahuli sa mga pinsan niya. Maliban kasi sa nakuha niya ang halos lahat ng features niya sa daddy niya na may dugong German ay namana rin niya ang abuhing mga mata ng mommy niya na isang half Filipina-half American. “Actually marami silang sinasabi tungkol sa'yo, ayaw mo kasing magpakita sa kanila kaya puro lang sila speculation. Especially the girls, iniisip nila na kaya ka umiiwas ay dahil kay uh, well, you know.” Ani Trevor. Hindi nito magawang banggitin ang pangalan ng taong nanakit sa kaniya noon. “Really?” napaismid na lang siya. Ilang saglit siyang nahulog sa malalim na pag iisip. Bakit nga ba siya umiiwas sa dati niyang mga kabatch? Wala naman siyang utang sa mga ito na dapat bayaran. “Fine, pupunta ako,” “Oh?” napangisi si Trevor. “Huwag mong kalimutan na magdala ng date.” “Date?” napaawang ang mga labi niya. “Oo, date Bro, magmumukha kang kawawa kung pupunta ka doon na mag isa lang. Halos lahat ng mga kabatch natin ay may mga asawa na. Iisipin nila na kaya single ka pa rin kasi masyado kang nasaktan noon at hindi mo na magawa pang magtiwala ulit sa ibang babae.” Humalakhak pa ang loko at parang nasa mood talagang asarin siya. “Alam mong hindi ako nakikipagdate at ayoko ng seryosong relasyon.” Malamig na tugon niya. Mula nang masaktan siya sa unang pag ibig niya ay hindi na siya nagtangka pang magmahal ng iba. Alam ng mga babaeng dumadaan sa buhay niya kung ano lang ang maaari niyang ibigay sa mga ito. Sex. It’s all about s*x. Bato na ang puso niya at ayaw na niyang masaktan ulit kaya walang kahit sino man sa mga babaeng naikama niya ang hinayaan niyang makapasok ng tuluyan sa buhay niya. “Kilala mo ang mga babaeng naikakama ko, Trevor. Lahat sila ay hindi ko pwedeng ipakilala sa mga kabatch natin.” “Alam ko, dahil karamihan ng mga babae mo ay may mga sabit. Kung hindi girlfriend ng isang pulitiko ay international singer o model naman na nasasangkot sa matinding eskandalo.” Nagkibit balikat na lang siya. Mas kampante siya na sa mga ganoong babae siya nakikipagsex dahil hindi naman humihingi ng kahit anong kapalit ang mga ito sa kaniya. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang magkaroon ng seryosong relasyon. Tumayo na si Trevor at bahagyang hinila ang kwelyo ng white coat nito na medyo nagusot na. “Kaya kung ako sa'yo maghanap hanap ka na ng kadate mo. Please lang, iyong matinong babae ang isama mo dahil ayokong mapagtawanan ka nila. Hindi ako mauupo sa isang tabi lang at mananahimik.” “Okay.” Nang lumabas na si Trevor ng opisina ay parang doon lang tuluyang nagsink in sa kaniya ang problemang kinakaharap niya. Nakakunot noong tinapik niya ng ilang beses ang mesa. Jeez! Saan naman siya maghahanap ng matinong babae na ayaw ng commitment?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook