Simula pagkabata ay nasanay na si Dorothea na kumilos at manamit na parang isang tunay na lalaki. Lumaki siya kasama ang ama at pitong kuya niya kaya hindi na nakapagtataka na naging kilos maton na rin siya. Hindi pa naman niya naranasan na magkagusto sa kapwa niya babae pero naniniwala siya na may tamang panahon para sa ganoong bagay.
Pero biglang nagbago ang mundo niya nang makilala niya si Miguel Mondemar, ang napakagwapo at ubod ng supladong boss niya. Kahit anong tigas pala ng puso niya ay hindi naman niya mapigilan ang sarili na mahulog ang loob sa binata lalo na ng suyuin siya nito at sabihin nitong desidido ito na gawin siyang isang tunay na babae.
Dahil kay Miguel ay nagawa niyang baguhin ang sarili niya. Pero panandalian lang pala ang sayang nararamdaman niya dahil bumalik ang best friend nito na matagal na pala nitong mahal.
Papayag ba siya na tuluyang mawala sa kaniya si Miguel o babalik na lang siya sa dating siya bago niya ito nakilala?
Hinanap ni Jean si Mr. Right sa halip na magmukmok sa isang sulok at indahin ang sakit na dulot ng paghihiwalay nila ng unang boyfriend. Nakilala ni Jean si Zac nang lakas-loob siyang makisakay sa kotse nito pagkatapos niyang mahuli ang kanyang boyfriend na nagtataksil.
Ang buong akala ni Jean ay iyon na ang huling pagkikita nila. Pero naulit iyon nang iligtas siya ni Zac sa muntik nang pagkapahamak sa kamay ng lalaking nakasalubong niya sa labas ng isang bar. Natagpuan na lang ni Jean ang sarili na ipinapakilala si Zac sa kanyang mga magulang bilang boyfriend. Sumang-ayon ang binata sa pagpapanggap nila pero hindi niya akalain na mahuhulog ang loob niya rito.
Pero may hadlang sa kanilang dalawa. Ang first love ni Zac na matagal nang inaalagaan ng pihikan nitong puso.
Simula pagkabata ay tanggap na ni Diana na ang ate Hasmine niya ang priority ng mga magulang nila. Nang malugi ang kompanyang pag aari ng daddy niya ay nagdesisyon itong ipagkasundo ang kapatid niya sa apo ni Federico Campbell. Iyon ang kapalit ng pagtulong sa kanila ng pamilya Campbell.
Labas naman siya sa usapan noong una dahil alam niyang walang pakialam sa kaniya ang sariling pamilya. Pero biglang naging magulo na ang lahat nang tumanggi sa kasunduang pagpapakasal ang ate Hasmine niya at maglayas ito.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay humingi ng pabor sa kaniya ang daddy niya. Pinakiusapan siya nito na bantayan at kaibiganin niya si Connor Gray Campbell-ang fiancée ng ate niya. Ang misyon niya ay ang mailayo si Connor mula sa mga babaeng naghahabol rito habang hindi pa bumabalik si Hasmine.
Connor Campbell is a very handsome man. Daig pa nito ang tumalon palabas ng isang fairy tale book dahil sa sobrang gwapo nito. Sinundan niya si Connor at inalam ang lahat ng tungkol sa lalaki.
Nang mailigtas niya ito mula sa isang babaeng nangungulit at naghahabol rito ay lakas loob na inalok niya ito na maging kaibigan niya. Pumayag naman agad si Connor.
Ngayon na magkaibigan na sila at maisasagawa na niya ng maayos ang plano niya, papaano niya pipigilan ang sarili na tuluyang mahulog ang loob sa lalaki?
Papaano kapag muling bumalik na ang ate Hasmine niya? paano na sila ni Connor? mawawalan na naman ba siya ng halaga?
Itinuturing na isa sa pinakamaganda at matalino sa campus si Melody kaya hindi na nakapagtataka na magulat ang lahat ng maging malapit siya kay Train. May pagka-introvert at nerd kasi ang lalaki na kabaliktaran naman niya. Pero sa kabila ng lahat nang naririnig niya mula sa ibang tao ay pinilit pa rin ni Melody na pasukin ang tahimik na mundo ni Train. Nabigo man ng ilang beses ay nagtagumpay naman siya sa huli at naging close sila.
Mabilis na nahulog ang loob niya kay Train at nang magtapat ito ng damdamin sa kaniya ay walang pag aatubiling sinagot niya ito. Inakala niya na wala silang magiging problema at habang buhay na silang magiging masaya.
Pero nagkamali siya. Dahil dumating siya sa punto na kailangan niyang magdesisyon at iwan ito.
Pagkalipas ng maraming taon ay muling bumalik si Train. Ibang iba na ito sa tahimik at nerd na Train na nakilala at minahal niya noon. Muli ay gusto ni Melody na pasukin ang mundo nito.
Hahayaan pa rin kaya siya ni Train na gawin ang plano niya sa kabila nang ginawa niyang pagkakamali noon?
Weird ang tingin ng marami kay Jhanna kaya simula pagkabata ay nasanay na siya na iniiwasan ng lahat. Wala namang problema iyon sa kaniya dahil sanay na siyang mag isa at pag usapan sa school nila. Nagamit pa nga niya ang special talent niya para katakutan siya ng mga bully. Maraming mga estudyante ang ipinagtanggol niya laban sa mga bully at isa sa mga iyon ay si Top-ang nerd at tahimik na schoolmate niya.
Pagkalipas ng maraming taon ay siya naman ang nangailangan ng tulong. Dahil desperada na si Jhanna ay lumapit siya kay Top at siningil ito sa utang nito sa kaniya.
Kasal ang hinihingi niyang kapalit sa lalaki.
"Paano mo naman nasisiguro na magpapakasal talaga ako sa'yo? hindi mo man lang ba naisip na mga bata pa tayo noon kaya sinakyan ko na lang ang trip mo?" iyon ang naging sagot ni Top sa sapilitang wedding proposal niya.
Badtrip!
Pero hindi pwedeng sumuko si Jhanna dahil nakasalalay sa
pagpapakasal niya ang future niya. Kaya bago pa man mamuti ang mga mata niya sa paghihintay ay kailangan na niyang gumawa ng paraan para magustuhan siya ni Top.
At wala siyang 'pake' kahit makulitan na ito ng todo sa kanya.
Kailangang sakyan ulit nito ang trip niya!
Simple lang naman ang gusto ni Maricon sa buhay, ang magkaroon ng sarili niyang pamilya at makasama ang boyfriend niyang si Junie. Pero ang lahat ng iyon ay pinigilan ni Gabriel Mondemar. Dahil kay Gabriel kaya hindi natuloy ang kasal nila ni Junie.
Pinaikot nito ang mga magulang niya at sigurado siya na tinakot din nito ang boyfriend niya kaya sa huli ay nagawa nitong makuha siya.
Nagpakasal sila ni Gabriel kahit na ayaw niya. Nangako siya sa sarili na gagawin niyang impyerno ang buhay nito dahil sinira nito ang buhay niya. Pero paano niya gagawin iyon kung walang ibang ginawa si Gabriel kundi ang mahalin siya?
Magagawa ba niyang saktan si Gabriel at huwag aminin sa sarili na mahal na pala niya ito?
Isang babaeng mapanganib. Iyon ang tingin ni Juancho sa mahikerang si Suzy. Natuklasan kasi niya ang plano nitong akitin ang kapatid niyang si Miguel para maging daddy ng magiging anak nito. Kaya handa siyang gawin ang lahat para pigilan ang dalaga. Na napagtagumpayan naman niya.
Hindi nga naakit ni Suzy si Miguel, pero pakiramdam ni Juancho, siya naman yata ang naakit ng dalaga.
Tsk!
Sinasabi na nga ba niya, mapanganib talaga ang babaeng ito.
Ngayon, may panibago siyang misyon.
Ang alamin kung anong mahika ang ginamit ni Suzy para akitin siya.
At gawin ang lahat para si Suzy naman ang maakit sa kanya.
Mula nang maaksidente si Asihiro-ang napakaguwapo at sikat na car racer at modelo-sa huling laban nito ay wala nang naging balita pa si Kharen tungkol sa sinisinta niya. At dahil missing in action ang inspirasyon niya, nagkaroon siya ng writer's block. Kaya nagpasya muna siyang magtungo sa ibang lugar upang magnilay-nilay.
Ngunit ang plano niyang pagninilay-nilay ay nauwi sa pagiging mabait at pasensiyosang nurse sa napakaguwapo at napakasungit na pasyente niya na walang iba kundi si Asihiro! Pagkatapos ng ilang gabing pangha-harass niya rito ay bigla na lang itong bumait sa kanya. Ang buong akala niya ay maayos na ang lahat sa pagitan nila-"MU" na sila, wika nga ng iba.
Ngunit isang araw ay may dumating na maarteng "buwisita" ang guwapong sinisinta niya na labis na ikinaselos ng sutil na puso niya. At tila nakalimutan na ni Asihiro ang presensiya niya.
May pag-asa pa kayang mabuo ang "Asihiro-Kharen" love team na matagal na niyang pinapangarap, o kailangan pa muna uli niyang painumin ng sangkaterbang gamot si Asihiro para ma-realize nito na siya lang talaga ang babaeng nakatakda para dito?
Desperada na si Allyson dahil sa malaking problema ng kanyang pamilya kaya napilitan siyang humingi ng tulong sa pinsan slash half sister niyang si Demi. Pero may kapalit ang tulong. Magpanggap daw siyang si Demi at tumira sa mansiyon ng mga Mondemar para makasama ang fiancé nitong si Jaime.
Naging madali ang misyon ni Allyson. Naging malapit sila ng triplets ni Jaime at unti-unti, nahulog na rin ang loob niya sa lalaki. Pakiramdam niya, siya na talaga ang tunay na mommy ng triplets at asawa ni Jaime.
Pero kailangan niyang pigilan ang sarili na tuluyang mapalapit sa mag-aama. Ngayon, hindi niya alam kung paano makakalabas sa pinasok na gulo. Lalo pa't nalaman na ni Jaime na isa siyang impostor...
Ang tanging kailangan lang ni Mandie ay ang maibigay sa isang karapat dapat na lalaki ang virginity niya dahil ayaw niyang maging pambayad utang ng kaniyang lasenggerang ina.
Pero hindi niya inakala na mararanasan niya ang mala-Cinderellang buhay sa piling ni Kentaru Campbell. Isa ito sa pinakamayaman at kilalang negosyante sa bansa.
Gwapo ito, napakayaman at higit sa lahat ay may perpektong katawan na kinahuhumalingan ng mga kababaihan.
Nakuha ni Kentaru ang lahat sa kaniya. Ang kabirhenan niya. Ang katawan niya. At higit sa lahat ay ang puso at kaluluwa niya. Taru taught her everything she needs to know.
Pero isang lihim ang natuklasan niya na pwedeng sumira sa magandang relasyon nilang dalawa.
Nakahanda pa rin ba siyang ipagkaloob ang lahat at dugtungan ang mainit na mga gabi sa piling nito o lalayo na lag siya kay Taru and find her own way to forget his first love and all the beautiful memories with him?