"Ang sarap!" Napapalatak si Train nang makita na kumalat na ang ketchup sa gilid ng labi ni Melody. Kahit siguro marumihan ng ketchup ang ibang parte ng maganda nitong mukha ay wala na itong pakialam pa. Sinundo niya ito kanina sa kabilang building ng unibersisad para samahan ito na kumain. Siya naman ang nakataya ngayon na manlibre. Wala naman kaso iyon sa kaniya dahil affordable naman ang mga pagkain sa Jollibee. Kung si Melody ang palagi niyang kasama na kakain sa fast food ay hindi siya magrereklamo. Hindi kasi ito maarteng kasama at napakadali pa nitong pangitiin. Sa halos dalawang buwan na magkasama sila ay masasabi niya na kilalang kilala na niya ito. Madalas kasi silang magkasama lalo na kapag nagpupunta ito sa mall para bumili ng bagong libro. Isa sa natuklasan niya ay ang pagk

