“Hi.” Excited na dumungaw si Melody sa loob ng opisina ni Train. Agad na nawala ang ngiti niya nang makita itong nakapikit habang nakasandal ang katawan sa backrest ng swivel chair. Katatapos lang ng clinic hour kaya alam niyang napagod ito ng sobra. Mula kasi nang lumabas sa mga magazine ang magpipinsang Quintalla ay mas lalo pang nakilala ang mga ito ng publiko kaya hindi na nakapagtataka na dagsa ang pasyente ng binata. “Hey.” Mabilis na nagmulat ng mga mata si Train. Pumitlag ang puso niya nang magtama ang mga mata nila. Ngumiti siya at nagpasiyang pumasok na sa loob bitbit ang paperbag na may lamang mga pagkain. Umabsent pa siya sa trabaho para lang maipagluto ng masarap na pagkain at mapuntahan ito sa clinic. Pumayag naman ang amo niya na mawala siya ng isang araw dahil may pama

