Chapter 7

1750 Words
Nasa dulo lang ng restaurant si Ash habang nagmamanman kay Cielo. Nagtagis ang mga bagang niya na tinitigan ang lalaking hawak-hawak ni Cielo sa mga kamay. Sino kaya ang lalaking iyon? Ito kaya ang nobyo ng babae? Wala namang attractive sa lalaking iyon. Hindi naman ito hot and gorgeous na katulad niya. Pero sa tingin niya, ito yong mga lalaki na matitipohan ni Cielo, mukhang family man at seryoso. Na kabaligtaran naman sa pag-uugali niya. Putragis talaga itong nararamdaman niya, kailanman hindi pa siya nagseselos sa mga babaeng nakasiping niya. Dahil para sa kanya pampalipas oras lang ang mga ito. No string attached kumbaga. But with Cielo Homer...she had managed to blow his mind sufficiently that he might consider pursuing an exclusive relationship with a woman like her. Ito palang kasi ang kauna-unahang babae na nagpatigil sa pagtakbo ng oras niya. Kaya naman hindi niya matatanggap na may lalaki na palang nag-aaligid sa babae katulad nalang sa lalaking kasama nito ngayon. Siya lang dapat ang kasama ni Cielo, at hindi ang isang asungot na yon. Matapos magbayad ng lalaki sa pinagkainan nila ay sabay na ang mga ito na lumabas sa naturang kainan. Nag-uusap pa rin ang mga ito hanggang sa labas ng restaurant at sa madilim na parte pa. Talagang nabubuwesit na siya sa pagmumukha ng lalaking iyon at kung hindi siya makapagpigil baka masugod lang niya ng suntok ang lalaking iyon. Kaya minabuti na lamang niya na pumasok nalang muna sa tapat na supermarket at aliwin ang sarili sa pamimili ng mga prutas. Nasa fruit section siya at kasalukuyang namimili ng mga prutas nang may magsalita na babae mula sa likuran niya. "You gonna buy something mister, or are you just fondling the fruits?" Napalingon siya sa nagsasalita na dilag at mukhang koreana ito. "Yeah, sure. I'm buying." Kumuha siya ng isang bungkos ng saging, isang kilong grapes, at dalawang pinya tas nilagay niya ang mga ito sa push cart. Matamis namang napangiti sa kanya ang koreana at nakipagkilala agad siya nito. Tas sabay silang nagbayad sa cashier at sabay na rin silang lumabas sa supermarket. Hiningan naman ni Ash ang magandang koreana sa number nito bago pa ito sumakay sa nakaparada nitong kotse. Ganyan naman talaga kabilis ang karisma niya pagdating sa mga babae. Ngunit doon palang naalala ni Ash si Cielo nang makaalis na ang Koreana. Dammit! Cielo and her Lover Boy were no longer at his sight. Para namang mababaliw si Ash sa kakahanap sa nakaligtaan na babae. Saan na kaya ang mga iyon nagsusuot? Bwesit talaga. Inuna kasi niya ang kalandian niya sa Koreana. Halos ilang ikot na ang nagawa niya sa naturang lugar para lang mahanap ang babae. Nahimasmasan lamang siya nang makita niya ang pamilyar na pigura na naglalakad sa sidewalk. There. Relief made him faintly nauseous as he hurried after Cielo. She was almost a block ahead of him. Sa mga oras na yon normal lang naman ang ginawa niyang paglalakad. Hindi niya kasi pwedeng gamitin ang kanyang angking bilis dahil baka may makakakita pa sa kanya. Nakita niyang tumawid si Cielo sa pedestrian, ngunit nang tatawid na sana siya ay naabutan siya ng stop. Letsugas! Lalayo na naman ang distansya nila ni Cielo. Subalit napansin niya na wala ng kasama ang babae. Saan na kaya ang asungot na lalaki? Uh-oh, kung ganon hinayaan lang si Cielo sa kanyang Lover Boy na mag-isang maglalakad pauwi. Minus points. Pero sa ibang banda, natuwa siya dahil hindi na kasama ni Cielo ang lalaking naka date kanina. Ngunit nag-aalala siya para dito dahil naglalakad lamang itong mag-isa sa madilim na eskinita knowing na pinagtangkaan na nga ang buhay nito. The red light changed into green at mas binilisan pa niya ang mga paa sa pagtawid sa pedestrian. Sa palagay niya, three blocks na ang naging pagitan nila. Malayo na nga ang babae sa paningin niya. Dammit! Hindi man lang ba ito nabahala sa kanyang buhay? Ba't ba naglalakad ito mag-isa? Siguro nga wala itong ka ide-ideya na nanganganib ang buhay nito. Kailangang isa sa mga araw na to ay magpapakita at kakausapin na talaga niya ang babae tungkol sa banta ng buhay nito, kahit pa sinabi sa kanya ni Xevier na huwag muna ito ipaalam kay Cielo hangga't hindi pa sila sigurado. Pero ang malaking tanong? Pano niya lalapitan at kakausapin ang babae? Sigurado kasi siyang kinamumuhian siya nito sa ginawa niya. Nasa malalim na isipin si Ash kung kaya nawala ulit sa paningin niya si Cielo. Saan napunta yon? Eh wala ng katao-tao sa lugar na yon. Hanggang sa narinig nalang niya ang pagsigaw ng babae. Sinundan niya kung saan nanggagaling ang tinig na yon, at nakita nalang niya na kinaladkad si Cielo sa malaking mama. His muscles coiled and sprang so fast that he barely managed to control the motion. Saka natagpuan na lamang niya ang sarili na sakal-sakal na ngayon ang leeg ng mamang kumaladkad kay Cielo. Tiyempo namang nakawala sa kanya ang mama at itinulak siya nito ng ubod lakas dahilan sa pagkabangga niya sa sementadong pader. Napurohan yata siya don dahil sumakit ang kanyang likuran. Si Cielo naman ay panay lang ang tili pero hindi muna niya binigyang pansin ang babae dahil mukhang 'the hulk' itong mama na katunggali niya. Mahirap na kapag maisahan pa siya. Binigyan naman niya ng sunod-sunod na upper cut ang malaking mama dahilan sa muntik nitong pagkatumba. Ngunit agad din itong nakabawi at humugot pa ito ng baril mula sa kanyang beywang. Akmang paputokan na sana siya nito nang mabilis niyang tadyakan ang baril na hawak nito at tumilapon ito sa kung saan. Napanganga lang ang malaking mama sa gulat na wala na sa kamay nito ang hawak na baril. Tuloy nagkaroon ng tsansa si Ash na tuhoran ang mama sa kanyang balls at talaga namang namimilipit ito sa sakit na ikinabagsak nito sa lupa. Doon pa lamang napansin ni Ash si Cielo. She was slowly sliding down the wall toward the ground, at nakita niyang parang nanginginig ito sa takot. He reached out, grabbed her shoulders and dragged her upright. Napatili ulit ito ng malakas at pilit itong nagpupumiglas sa kanyang pagkakahawak. "Cielo. Ako to, si Ash. Ligtas ka na. I've got you." She sagged against him, taking huge, sobbing breaths. "Honey, gusto kong tumayo ka sa sarili mo, okay?" She nodded against his chest but made no move to step away from him. He pushed her gently against the wall and knelt down to check on the status of her attacker. The guy was out cold. Ganyan ba talaga ang pinsala sa mga lalaking natuhoran? Uh-oh, mahirap palang matuhoran. Dapat naka fragile palagi ang kanyang balls. Ash reached into the guy's back pocket and whipped out the attacker's wallet. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa at kinuha rin niya ang driver's license ng lalaki at pinicturan ito. He searched the guy's pockets for anything else that might be informative and found nothing. Pinulot rin niya ang nalaglag na baril ng lalaki at saka isinuksok niya ito sa kanyang tagiliran. Gulat na napatitig naman sa kanya si Cielo. "Is that really you?" di makapaniwalang tanong sa kanya ng babae. "Hindi ba kita halusinasyon lang?" "Yup. Ako to, si Ash pogi. In the flesh." pero mukhang hindi pa rin ito nakabawi sa pagkagulat. "Tara na Cielo iuuwi na kita sa bahay mo." "T-tumawag ka ng...pulis..ipadakip mo...siya." "Ako na ang bahala." malumanay na tugon niya. Sa totoo lang, ayaw talaga niyang tumawag pa ng pulis, baka marami pa itong itatanong sa kanya. Tatanguan na lamang niya ang babae para ng sa ganon mapanatag din ang loob nito. "Hindi agad kita nakilala sa suot mo." komento pa nito. Tiningnan niya ang kanyang suot na jeans pati na rin ang kanyang suot na hooded jacket. Ito naman talaga ang kadalasan niyang isuot eh. "Ano bang mali sa suot ko?" tanong niya. "Wala naman. Nasanay lang akong nakasuot ka ng tuxe--" she broke off. Hmm...ang sabihin mo nasanay ka lang na hubad ako, aniya sa kanyang isip at malapad na nginisihan ang babae. Matapos ang ilang minuto, naglalakad na sila papunta sa bahay ni Cielo. At nang makarating na sila sa apartment nito ay kaagad na binuksan ng babae ang pintuan gamit ang susi. Ngunit pinigilan niya si Cielo nang akmang papasok na ito sa loob ng kanyang bahay. "Diyan ka lang." aniya. She nodded as he slipped into the darkness and took a quick look around the place. Gaya ng inaasahan niya, malinis at organisado ang mga kagamitan nito sa loob. Kaya lang may kaliitan ang espasyo nito, ngunit kung meron mang mangahas na pumaloob sa bahay nito ay kaagad din namang makikita. "Okay na, Cielo. It's safe. Pwede ka ng pumasok." Binuksan na nito ang ilaw at malinaw na nga niyang nakikita ang loob ng bahay nito. Bigla namang hinubad ni Cielo ang sapaw nitong pang itaas na damit sa harapan niya, at tanging manipis na sando nalang ang suot nito. Napalunok tuloy siya ng wala sa oras. "T-teka lang...A-ano yang ginagawa mo?" na alarmang tanong niya. "I stink. Dumikit yata ang baho ng lalaki sa damit ko." reklamo pa nito. Pansin niya na nanginginig ang mga kamay nito at mukha rin itong namumutla. In fact, her entire body was trembling. Mabilis naman ang galaw niyang niyakap ang babae. Naramdaman nalang din niya ang paninigas nito. "It's okay, honey. Nandito lang ako. You're safe. Pinapangako kong poprotektahan kita." She might have been close to tears in the alley, but she didn't break down like he expected. Bagkus ay itinulak siya nito mula sa pagkakayakap niya. "Tsansing ka ha, tumalikod ka nga! Magbibihis ako." mando nito. Sayang! Akala ba naman niya na sa kanyang harapan tuloyang magbibihis ang dalaga. Tumalima na lamang siya habang laglag ang balikat niya. Narinig niyang pumasok na ito sa loob ng kanyang kwarto at narinig din niya ang pag lock ng pintuan nito. Siguro wala na itong tiwala sa pagmumukha niya kahit umaapaw pa ang kanyang s*x appeal. Kung alam mo lang Cielo, na kaya kong gibain yang lock mo sa ilang segundo lang. Nag akyat-bahay kaya ako ng ligaw noon. Pero hindi niya gagawin iyon dahil good boy siya at gentleman kapag tulog. At isa pa, may kasalan pa siya nito nong isang gabi. Kaya dapat lang na ihanda niya ang sarili dahil baka paglabas nito sa kwarto ay mag ala Gabriela Silang ito at hahabulin siya nito ng itak. Naku! Mahirap na at baka matuhoran pa siya. Eh di, quits ang kanyang balls. Dapat din na mag mukha siyang maamo at walang kamuwang-muwang tingnan. Kaya tahimik siyang umupo sa sofa at matiyagang naghihintay kung kailan lalabas ang dalaga. Kailangan din kasi niya itong makausap tungkol sa kaligtasan nito. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD