Sa wakas nakabalik na rin si Cielo sa bayan nila sa Antipolo. Ang lugar kung saan siya lumaki at kung saan siya iniwan ng kanyang pamilya.
It had been a mistake to take a job in this town. Too many memories lurked here, waiting to ambush her. This was also the place she'd been happy, innocent, and carefree. Kaya kahit na may masasakit pa siya na alaala sa lugar na ito ay nanatili pa rin siya.
In spite of being in Manila, she was glad to get back to her regular scheduled life. Yes, it's really nice to be back sa nakasanayan niyang buhay, yong tahimik at simple lang. Wala masyadong nagtitinda ng alak at walang bolero na mga lalaki.
Sumakay na siya ng taxi at nagpahatid siya sa kanyang apartment. Pagkarating niya sa apartment ay kaagad niyang binuksan ang kanyang cellphone at binasa niya ang kakatanggap lang niya na mensahe galing kay Dan.
[Cielo, kailangan nating mag-usap. Call me.]
Si Dan Francisco ay ang kaibigan niyang police operatives mula sa CIDG at ito rin ang nag-iimbestiga sa kanilang kumpanya ngayon. Sinabi kasi ni Dan sa kanya na may suspetsa ito na ang kumpanyang pinagtatrabahoan niya ay sangkop sa isang money laundering na pinangungunahan ng mga sindikato. Kahit binalaan na siya ni Dan na mag-iingat siya sa masusi niyang pag a-audit sa kumpanya, pero hindi naman siya nababahala sa sinabi nito dahil para sa kanya, isa itong malaking break para sa napili niyang karera. Isa kasi sa tanyag na investment firm sa bansa ang kumpanya nila, at para sa mga first timer na katulad niya, hindi madaling makapasok sa firm na iyon kung wala ka pang background tungkol sa pag a-audit. This chance was a huge deal for her and she wasn't about to blow it.
Hindi talaga madali sa kanya noong una, because the firm used the most complicated accounting system she'd ever seen. Iba kasi ang pamamaraan nila sa mga nakagawiang investment firm, lalo na't kadalasan mga dolyares ang pumapasok sa account ng firm.
Ipinasok muna ni Cielo ang mga pinaghubarang damit sa washing machine saka niya tinawagan ang kaibigan. "Hey, Dan."
"Hi Cielo, nakabalik ka na ba sa Antipolo?" agad na tanong ni Dan. "Kumusta nga pala ang wedding ng kapatid mo?" dagdag pa nito.
"Masaya ang wedding nila, kaya heto ako ngayon, nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim." aniya sa stanza ng kanta ng Aegis. Pero ng maalala niya ang sinabi sa kanya ni Ash ay parang biglang piniga ang puso niya. Lintek talaga ang lalaking iyon. Akala nito kung sino siyang gwapo. Mukhang Amerikanong hilaw naman. Hmmp!
"Alam mo bang may ilang kaganapang nangyari sa Peridot simula nang umalis ka."
Nakukuryosong tugon niya. "Sabihin mo sakin kung ano."
"May newly appointed official kasi sa kumpanyang pinagtatrabahoan mo. Ang pangalan niya ay Miggy De Vera. Siya na ang bagong Chief of Security ng Peridot. Sa itsura palang nito mukhang former army ito. At sa napag-alaman ko rin may mga koneksyon sa politiko ang tao na ito."
"So ibig sabihin? Hindi basta-basta ang taong ito?"
"Hindi naman sa ganon." anito pa. "May masamang kutob lang kasi ako sa taong ito."
Hay naku! Lumabas na naman ang pagka detective ng kaibigan niyang ito. Kung sino nalang ang paghihinalaan.
"Baka sangkot sa ilegal na gawain ang taong ito, Cielo. If that's the case, baka mapapahamak ka lang sa kumpanya na yan."
"Ako mapapahamak?" tanong niya.
"Trust me. Wag mo nalang tuklasin ang mga bagay-bagay na tanging kami lang na mga operatives ang nakakaalam. Basta mag-iingat ka lang, okay?"
"Sila ang dapat mag-ingat sakin." aniya pa na hinaluan niya ng biro.
Pero totoo naman eh, wala naman siyang kinakatakotan as long as wala naman siyang ginagawang masama laban sa kumpanya.
Kakatapos lang ng pag-uusap nila ni Dan sa cellphone ay nakatanggap na naman siya ng panibagong mensahe. Naku! In demand ngayon ang beauty niya. Pagkabasa niya sa panglimang mensahe sa araw na yon, napamulagat nalang siya pagkakita niya sa sender.
[Hi Cielo, Si Harry Lizan ito ng Peridot.]
Harry? As in ang seryosong si Harry na bookkeeper nila sa Peridot? Bakit kaya ito nag text sa kanya? May sariling mundo kasi ang taong ito sa kumpanya. Ni wala nga itong kinakausap sa opisina dahil seryoso kasi ito sa ginagawang trabaho.
Binasa naman niya ang pangalawang mensahe nito. [Wala kasi akong ibang maisip na makausap, maliban nalang sayo, Cielo. Can we meet somewhere to talk? Yong labas sa opisina natin. Call me as soon as you get this message.]
At dahil na iintriga nga siya sa pinadalang mensahe sa kanya ni Harry kaya agad niya itong tinawagan.
"Hi, si Cielo to. Ngayon lang ako nakabalik sa bahay at ngayon ko lang din--"
He cut her off. "Can't talk to you now. Magkita nalang tayo six o'clock sa Julio's Grill."
"Uhh, sure. I'll be there." Hanep ah! Ito pang may ganang makipagkita tas busy naman pala ito ngayon. Pero parang napansin niya na tensyonado ang boses nito. Hmm...malalaman rin niya mamaya ang sadya nito.
After a while, she unpacked, shopped, finished her laundry, and generally put her life in order while she waited for six o'clock to roll around. At sa wakas, dumating na yong oras.
Pagkarating niya sa nasabing restaurant ay kaagad niyang nahagilap roon si Harry. Gwapo sana itong kasamahan niya sa opisina kung hindi lang ito sobrang seryoso sa life.
"Oh hi, Harry. Kumusta?"
"Mabuti." pero sa tingin niya mukhang hindi ito okay. Palinga-linga kasi ito sa paligid at mukhang tense na tense.
Malapad naman ang ngisi niya. "May payo lang ako ha. Kung ang mga galaw mo ay parang isang kriminal na may malaking sekreto na tinatago, mas mapaghinalaan ka tuloy ng mga tao. Kaya chill lang. Wag kang magmukhang tensyonado. Wala naman sigurong babaril satin ngayon."
"Kung yan ang inakala mo." he grumbled in response. Nakita niyang nanginginig ang mga kamay nitong nakapatong sa mesa.
Hinawakan naman niya ang mga kamay nito para bigyan ito ng kapanatagang loob. "Sabihin mo sakin kung ano yang nasa isip mo."
"Kahapon kasi nag overtime ako. Kailangan ko rin kasi mahabol ang backlog mo sa trabaho dahil absent ka nga ng tatlong araw." Napatango-tango na lamang siya. "Anyway, nang magbanyo ako nong isang gabi. Sirado na yong CR sa palapag natin kaya pumunta ako sa itaas na CR." kwento nito habang pinagpawisan ang noo.
"Pagbalik ko sa opisina galing sa CR. May pumasok naman na tatlong kalalakihan sa loob ng opisina natin kung kaya agad akong naghanap ng pagkakublihan, at sa narinig ko sa pag-uusap nila, may sisirain daw silang records."
"Anong klaseng records?" tanong niya.
"Financial records mula sa Peridot. Ang sabi nila kailangan daw nilang mahanap yong auditor ng kumpanya para mabura daw nila yong records." Nagpalinga-linga na naman ito sa paligid at parang nahahawa na nga siya sa pagkatensyonado nito.
Kung mangyayari man ang sinabi ni Harry, hayan mawawalan ng financial records ang kumpanya. "Pamilyar ba sayo ang mga boses nila?"
"Oo, sa tingin ko, isa don sa nagsasalita si Mr. De Vera. Siya yong bagong appointed na Chief of Security ng Peridot."
"So anong ginawa mo sa mga oras na yon?" segunda niyang tanong kay Harry.
"Naghintay lang ako hanggang sa umalis sila at don pa lamang ako lumabas sa aking pinagkublihan. Tas pinuntahan ko agad ang aking computer at kinopya ko sa flash drive ang buong file ng financial record ng kumpanya."
"Seryoso ka?"
"Oo, Cielo." May hinugot ito sa kanyang pocket jacket at inabot ito sa kanya. "Kunin mo to." bulong nito.
Nang nasa palad na niya ang bagay na inabot sa kanya ni Harry ay doon pa lamang niya napatanto na baka ito yong flash drive na sinasabi nito. Agad naman niya itong ipinasok sa kanyang bulsa. "Bakit mo sakin ibinigay ang flash drive? Anong gagawin ko rito?"
"Ikaw ang auditor at the same time ang accountant di ba?"
"Oo."
"Tingnan mo ang laman ng files diyan and see what you can find."
Napakurap-kurap lamang siya, napag-isip kasi niya na baka may tinatago ngang baho ang kanilang kumpanya. "What do you have against Peridot?"
"Narinig ko rin sa sinabi ni Miggy De Vera kagabi na kung matutuloy daw ang plano nila, may bago na raw na mamahala sa kumpanya natin. At pababagsakin daw nila ang kasalukuyang may-ari, kaya raw kailangan nilang makita yang files."
"Ganon ba? Sige, I'll take a look at these files and see what we've got." dumating na rin ang inorder ni Harry para sa kanila na pagkain at nagtuloy-tuloy lang ang kanilang pag-uusap. Kung titingnan mo silang dalawa, para lang ang mga ito nag de-date kasi halos bulong kasi ang pag-uusap nila at kailangan talagang magkalapit sila ng upuan.
Matapos ang pag-uusap nila suminyas na si Harry sa bill, habang si Cielo naman ay hindi na makapaghintay na umuwi para matingnan na niya kung ano talaga ang nakakaintrigang laman ng flash drive.
*****