Napabalikwas ng bangon si Ash at tiningnan niya ang orasan sa bedside table. Six a.m.? Wow. Bente-kwatro oras na naman ang nagawang tulog niya. Tatlong meals din ang na skip niya kaya naman kumukulo ngayon ang tiyan niya sa gutom.
Matapos niyang mag order ng steak, two mashed potatoes, salad at milkshake through room service, lumapit siya sa bintana at tiningnan ang kabilang building. Natatanaw niya ngayon ang pang sampung palapag kung saan naroroon ang hotel room ni Cielo. Gising na kaya ngayon ang babae? The idea of having made love to her until she had to sleep all day made him smile. Ang natatandaan niyang huling beses na naramdaman niya ang ganitong pakiramdam ay nong seventeen years old pa lamang siya. Noong nagkaroon siya ng malaking gusto sa isang babae.
Dumating na ang pina room service niya na pagkain, at talagang nilantakan niya iyon hanggang sa maubos niya ang lahat ng iyon. Tapos kumuha siya ng newspaper at nagbabasa siya habang pasulyap-sulyap sa bintana ng dalaga. Bigla namang tumunog ang kanyang cellphone at pagtingin niya sa tumatawag na dismaya siya dahil si Xevier lang pala, akala ba naman niya si Cielo na.
"Hey."
"Bro, nag text na sa akin si Cielo. First employer daw niya itong Peridot Company. Nandito lang kami ngayon sa conference room. Nag re-research kami tungkol don sa kumpanya, baka gusto mong tumulong."
"Okay. I'm on my way." tugon ni Ash.
As the group researched Cielo's employer, nothing seemed out ordinary about it. Yes isa nga ito sa malaking investment firm sa bansa. Pero wala naman silang nabalitaan o na research na anomaliya tungkol don sa naturang kumpanya. Kaya na conclude ng buong team nila na maghintay nalang kung kailan ang susunod na pag atake sa kung sinuman ang nagtangka sa buhay ni Cielo.
"Sino ba sa inyo ang nakapagtanong kung kailan ang alis ni Cielo?" tanong ni Xevier sa buong team.
Sumagot naman si Jazz sa pamamagitan ng suot na earpiece ni Xevier. Nasa bus terminal kasi ito ngayon. "Pasakay na siya sa bus papuntang Antipolo."
Napatango-tango naman si Xevier. "Si Ash na ang bahala, Jazz. Papunta na siya ngayon diyan."
Samantalang naghahanda na si Ash sa mga dadalhin niyang kagamitan nang pumasok sa kanilang locker room si Xevier. "Ang bilin pala ni Vin sayo Ash, dahil playing bayaw na kasi ang kumag. Ikaw na raw ang bahala sa kapatid ni Kelly."
Napangiti lang siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi na kasi kailangan pang sabihin iyon. Dahil isang bagay lang ang sigurado siya. Hinding-hindi niya hahayaan ang sinumang makapanakit kay Cielo Homer.
*****