24

1061 Words
Pagbalik ko ng living room pwede na akong humarap sa mother-in-law ko. Naka upo na sila ngayon. Magkatabi si Mommy at ang mama ni Mau kaya sa tabi na lang nito ako pumwesto. "I'm glad you guys look getting along." Naging palitan yung tingin ni Mommy sa amin ni Mau. "Oo nga.. Dininig ni Lord ang panalangin ko." Tumingala pa si Tita. "Naligaw ata kayo ma?" Tunog sarkastiskong tanong ni Mau. Napasulyap pa ako sa inakto niya. Hindi ko kayang maging ganun kay Mommy kapag may ibang tao—Medyo off ako sa inasal niyang yun. "What?" Napansin niya ako. Lumapit ako para ibulong ang nais ko. "Sorry." Mahinang sagot niya matapos ng maikling pangaral ko. Nakita ko naman ang nakakalokong tingin ni Tita sakin sabay ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. "Mabuti naman at sa wakas may pinapakinggan na din ang anak kong yan." Makahulugang hayag ni Tita. "Ma naman. Syempre, she's my wife. I should listen to her." Paliwanag nitong katabi ko na umani ng sabon kay Tita. "And I'm your mother. Hanggang kailan mo balak ilihim sakin yang pakikipag karera mo?" Oh shoot. She knows. Sabay kaming napatingin sa isat isa ni Mau. Umiling ako. Nabasa ko kasi kung anong iniisip nya. I didn't say a word to her mom. Wag niya ko pag isipan diyan baka di ko siya matansya. "How did you know?" Walang kabuhay buhay na usisa ni Mau. "Your Papa told me." Gumuhit ang pagkagulat kay Mau, mukhang hindi niya inaasahang ilalaglag siya ng ama. "Nagkita kayo?" "Malamang. Paano kaming mag uusap." Pamimilosopo ng mom niya. Nakakatuwa silang dalawa parang barkada lang. "Pwede kasing sa phone lang ma.." Singhap ni Mau. Hinawakan ko siya sa kamay para kumalma dahil parang mapapatid na pisi niya para sa ina. "Ah.. Tita.." Balin ko sa mom ni Mau.. "..Mom.." Tingin ko naman kay Mommy. "Kumain na po ba kayo? Let's eat po. Nakapag luto na ako." "Tamang tama. Gutom na nga ako." Mababatid ang galak sa tinig nito. "Naku best friend mabuti pa ang unica iha mo marunong magluto.." Komento nito na humawak pa sa kamay ni Mommy. "Oo best friend. Di lang marunong. Hilig talaga niya yan. Bata pa lang palagi na akong kinukulit kapag nasa kusina kami at nagluluto ako." Paliwanag naman ni Mommy. Tumingin naman sakin si Tita with apologetic smile. "Pasensya ka na sa daughter ko, Jezra.. Wala yan alam sa gawaing bahay. Hindi siya wife material." Pansin ko nga po. Nahihiyang ngumiti na lang ako. "Grabe ma sa pang dodown.. Maalam naman ako sa ibang bagay. Isa pa, I can change for the better.." Sumulyap siya sa akin. "..to be a better wife.." Saka niya pinisil ang tuhod ko. Tama ba ang nadidinig ko?? Tong batang to ganito magsalita? "That's so nice to hear from you, Iha. Habaan mo pa sana ang pasensya dito kay Jezra. Medyo matigas ang puso niyan. Ewan ko ba, simula ng mamatay-" "Mom!" Agad kong putol sa kanya. "Mamatay po?" Pagtataka ni Mau. Tinapunan pa ako ng mapagtanong na tingin. "Sino pong namatay?" Saka bumalik kay Mom. "Ahh. Wala. Yung mahal na mahal niyang aso. Since then naging guarded siya na ayaw ma attach in any living creature kasama na ang human." Sunod ang pag iwas niya ng tingin sa amin. Tumayo na ako.. "Tara na ho sa dining." Pag aaya ko sa kanila. Naramdaman ko naman ang paghapit ni Mau sa bewang ko. Ano bang nangyayari sa kanya?? Ang clingy ata. "Mau. Could you stop it? Whatever you are doing.." She gave me a what look. "..Andyan ang parents natin ano ka ba." Suway ko, mahina pero may pagbabanta. "Naglalambing lang eh." Inirapan ko siya. Pinaghila niya ako ng upuan ng akmang ako sana ang gagawa. "After you, Love." Masuyong sambit niya. Weird. "Wow.. Ang sweet naman pala nitong asawa mo, Jezra baby.." "Mom!" Shocks.. Okay lang sana kung kaming dalawa lang. Ang tanda ko na para tawaging baby. "What? It's my way of making my daughter feel love." Tss.. Ang corny. Parehas sila ni Mau. "Ayaw nya nga din Tita na may endearment kami eh." Talaga ba, Mau? Naghahanap ng kakampi? "Bakit naman?" Ang mom na ni Mau ang sumingit. "Maureen, Iha. Just call me mommy na lang din." Dagdag ni Mom. Si Tita naman ang nagsalita. "You too, Jezra, Iha.. Mama na lang ang itawag mo sakin." Tumango naman ako bilang pag sang ayon. Nagse set up na ako ng dining table ng lumapit sa akin si Tita. "Iha.." Tawag nito na medyo pabulong pa. "Yes po?" Magalang na tugon ko. "Do you know about my daughter's motor racing thingy?" Shit.. I can't lie. "Ahh.. Hmm.." Nahihirapang tugon ko. "I guess that's a yes." Nabahala naman ako sa tinig nalulungkot niya. "Hindi ko po kasi kayang hadlangan si Mau sa mga bagay na makakapag paligaya sa kanya, Tita." Alangang paliwanag ko. "Mama na lang sabi sayo eh." "Ay sorry, po." Napatapik ako sa labi kong nakangiti. "Ma.. Wag mong takutin ang asawa ko." Sumulpot bigla sa likuran ko si Mau na nakuha pang yumapos sa harap talaga ng mom niya. Napaka PDA. "M-mau.. it's inappropriate." Mahinang suway ko pero narinig pa din ni Tita. Bahagya itong natawa. "Naku, Jezra iha. Get used to it. Ganyan talaga ang batang yan. Kahit sa akin. Nagbago lang ng magdalaga at magka girlfriend." Sa huling salitang narinig ko tila may kumurot sa puso ko. I can't imagine Mau having a girlfriend that is not me. Why is that?? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko. Pilit akong ngumiti sa mom niya. "Ma.. Pag kaharap ang asawa ko, don't talk about exes." Tumungo na ako ng dining table para ilapag doon ang hawak kong mga plato at kubyertos. Nakita ko naman na nagsasandok na ng ulam si Tita ng babalik pa sana ako. Kumakain na kami ng i-compliment ako ni Tita. "Wow pang five star restaurant ang luto mo, Jezra iha." Tuwang tuwa ito at muli pang sumubo. Tahimik lang akong ngumiti bilang pag tugon. Gumuhit din ang tuwa kay Mommy. She looks proud of me. "Are you alright?" Bulong sakin ni Mau, nakalapat ang palad niya sa hita ko sa ilalim ng table. Dahan kong inaalis iyon pero mas dumiin pa. "Relax.." Tila nang aasar pa talaga. Nakakabahala kasi ang dulot nun sa katawan ko. Hindi ko malaman kung bakit ganito kalakas ng epekto sakin ni Mau.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD