[JEZRA]
Nilapit ko ang mukha ko sa tenga ni Mau.."Stop teasing me, kid.." para bantaan siya.." Or else-"
"Or else what? Love?" Sagot niya dahilan para hilingin kong lamunin na lang ako ng kinauupuan ko.
Napatingin samin ang dalawang tahimik na kumakain kanina. Paano ba naman ang lakas ng pagkakasabi niya?
Alam kong sinadya nya yun. "Don't call me kid, Wifey.. Baka magsisi ka." Ngisi pa nito. Nanggigigil ako.
Ano bang trip niya sa harap ng parents namin? Narinig ko ang mabining pagtawa ni Mommy.
Habang itong katabi ko.. feel na feel niya talaga ang pang aasar sakin dahil mas inilapit pa nito ang upuan niya sa tabi ko saka ipinatong halos ang buong braso niya sa hita ko.
"Just kidding.." Ngingiting sambit niya kasunod ang mabilis na pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Labi ko... Hindi ko na ma explain yung nararamdaman ko, paano mag rereact. Panay ang pagsara bukas ng talukap ng mata ko.
"Eeeehhhh.. Ang sweet nyung dalawa. Natutuwa talaga ako." Kulang na lang pumalakpak ang mommy ko.
Napa iling, irap na lang ako sa sarili ko. Sana umalis na sila after nito.
"Mommy dito na po kayo magpalipas ng gabi-"
"What??" Agad na kontra ko pero dinedma lang ako. "..Para naman po makapag bonding tayo." Pagtatapos ni Mau sa kanyang sinasabi. Tinapunan pa ako ng mapang asar na sulyap bago bumalik kay Mom.
"That's a brilliant idea." Na eexcite na tugon ni Mom. "Oo nga.. Mabuti naisip mo yan anak." Gatong naman ng Mama niya.
Gosh.. Napapayuko na lang ako at nagpipigil ng sariling sumabog. Lagot talaga sakin tong si Mau sa oras na lumayas ang parents namin.
"You're spending the night in my bed tonight, Lovey.." Tila nag init bigla ang mukha ko sa sinabi niya. Sinilaban ang puwet ko.
Magsasalita sana ako ng maunahan ako ni Mommy. "What do you mean by that, Iha?" Nagugulumihanang usisa nito.
Nagtama ang mga mata nila ni Mau. Pati ang mama niya nag aantay ng isasagot niya.
Siguro naman ngayon natauhan siya sa sinabi niya. Malalaman pa ng di oras ng parents namin na sa magkaibang kwarto kami natutulog.
"May tampuhan po kasi kami nitong mahal kong asawa.. Kaya po outside the kulambo ako ng ilang araw.. So... Mom.." Sumentro ang tingin niya kay Mommy.
Mukhang nakukutuban ko na ang tumatakbo sa utak ng batang to. Magaling.. magaling..
"I'll be thankful po kung dito kayo ni Mama..." Salitan ang naging tingin niya sa dalawa.
"... papalipas ng gabi ng sa ganun payagan na ko ng wifey kong tumabi sa kanya..."
Anong konek??? Kumuyom ang isang palad ko. Grabe ang pagtitimpi ko.
Oh God.. Great.. Really.. Palihim akong naghugot ng hininga.. Mauubusan ata ako nun. Gosh.
"Totoo ba ang naririnig ko, Jezra? Nak naman..." Kunot ang noo ni Mommy. Uwang naman ang labi ko.
"...Anong ginagawa mo sa asawa mo? Pwede niyo naman pag usapan ng maayos ang mga bagay bagay na hindi niyo mapag kasunduan..." I can't believe this really..
"..Hindi dapat pinapalagpas ang isang araw na hindi kayo okay.."
Sa hinaba haba ng sermon ni Mommy wala akong naintindihan dahil gigil akong sabunutan tong katabi kong ang lakas ng loob na hindi na alisin ang pagkakakulong sa mga hita ko.
The audacity of this brat. Pwede na siyang maging writer sa galing gumawa ng kwento.
"...Jezra. Nak wag ganun. Baka sa ginagawa mo maghanap ng iba ang asawa mo." Nanlaki ang mga mata ko.
I don't deserve this shit.. Damn..
"Naku, best friend. Hindi ko hahayaan gawin yan ng anak ko.." Singit ni Tita. Tumingin siya ng masama dito sa katabi ko.
"...Ano nanaman ba ang kasalanan mo, Maureen? Pinapasama mo ba loob ng asawa mo?" Isang makahulugang tingin.
"...Is this about Margaux-"
"Ma!!" Nagulat kaming lahat sa biglang pagtaas ng boses niya. Nawala na din sa hita ko ang kamay niya.
I can sense the anger kahit wala pa man din siyang sinasabi.
"I'm sorry. I-I didn't mean to- Sorry.. Excuse me po.." Saka ito tumayo. Lumipad bigla ang utak ko. Walang mag process. Hindi ko alam anong irereact ko.
Pagdating kay Margaux nag iiba talaga siya. And I don't know what to feel or what I'm supposed to feel.
I shouldn't feel anything about it in the first place... "Sorry po Ma.. Ayaw niya pong napag uusapan si Margaux.." Sana makuha sa drama ko.
Ayoko namang mapahamak, mapagalitan pa si Mau.
"You don't have to say that, Iha. I'm glad nagiging open na kayo sa isa't isa." Pagak itong ngumiti saka nagpatuloy sa pagkain.
"Sundan ko lang po." Magalang kong paalam saka maingat na tumayo bago sila iwang dalawa ni Mom.
"Hey.. okay ka lang?" Likod niya ang tumambad sakin ng makarating ako ng pool area.
Favorite niya ang spot na to ng bahay kaya alam kong dito ko lang siya mabilis na makikita.
"I just don't understand, Jezra. Why is it everyone tagging Margaux along in my every move? O kahit sa mga bagay na gagawin ko pa lang? Why??"
Ramdam mo ang frustration sa tinig niya. Kasama ba ako sa everyone na tinutukoy niya?
Humakbang siya palapit sakin saka kinuha ang mga kamay ko at pinaka titigan ako.
"When I said that I want to work out our marriage. I don't want to be just your friend.. I want you.. I indeed mean those words, Jezra.."
Naumid ang dila ko. Tumigil ang takbo ng utak ko. My heartbeat skipped.
I can't find a words to say. "Can I have you tonight?" Gumalaw ang mga mata niyang napunta sa ibabang parte ng mukha ko.
Mas dumikit pa siya sa akin hanggang mahihiya na lang ang sinu mang pumagitna samin.
Maski karayom hindi makakalusot sa gitna namin.
"Hindi ba masyadong maaga, mabilis yang gusto mo?" Kinaya ko pang sabihin sa kanya.
I won't let my guard down.. Ano siya sinuswerte?
"Actually.. It's time, Love.." Bago pa man ako maka rebut, kinulong niya na ang mga labi ko gamit ang kanya.
Nasa ilalim ako ng mga bisig niya habang ninanamnam ang mga labi ko. Una nagagawa ko pang labanan ng kapusukan niya.
Pero sa huli sarili ko ata ang katunggali ko. Namalayan ko na lang na sinasabayan ko na ang bawat galaw ng labi niya sa labi ko.
It feels so good na para bang dinuduyan ako sa alapaap—Ngayon ko lang uli ito naramdaman sa tinagal tagal.
"Uhhmmm.. Aahhmm.. hmmmpp.." Naghahabol kami parehas ng hininga ng maghiwalay ang mga labi namin.
"Trust me, please. Let me hold your heart. I won't hurt you.." Panay ang pag lunok ko habang naka titig sa mga mata niya.
"I promise.. I will give the world to you.. I'll be loyal and faithful.."
Nagsalubong ang mga kilay ko. Nananaginip ba ako?
Hindi ko magawang pang hawakan ng mga sinasabi niya dahil ang bilis naman ata ng transition na nagaganap sa kanya.
Parang kailan lang head over heels in love siya kay Margaux and then in just a snap.. She's acting this way towards me??
"I-I don't know what to say, Mau.. Delusion is dangerously comforting, Mau."
"I'm not delusional, Jezra.. Or maybe.. You are just afraid kasi baka masaktan ka ulit."
"Hindi ba dapat? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Mau? Nagugulat ako sa totoo lang. Hindi mo maaalis sakin na maisip na baka paraan mo to para makalimutan si Margaux."
Nakita ko ang pagtaas baba ng lalamunan niya. Naka kapit siya sa curves ko habang nakasandal naman ng bahagya ang mga kamay ko sa dibdib niya.
"Okay naman na tayo sa unang napagkasunduan, Mau.. Friends diba?" Kumawala siya sa pagkakayapos sakin saka walang buhay na nag iwas.
Napahilamos siya sa kanyang mukha na tila ba nawawalan na siya ng pasensya.
"Pabigla bigla ka sa lahat ng bagay, Mau. Kinakain ka ng emosyon mo." Nagsasabi lang ako ng totoo.
Napansin ko kasing ganun siya. Hindi pinag iisipan ng maigi ang mga hakbang na gagawin niya basta maisipan na lang sugod na.
Pabalyang humarap siya sakin. "I can't be your friend, Jezra.. Y-you don't understand. Ganito na lang siguro.. Tell me.. Straight to my face, through my eyes.."
"Tell what??"
"Sabihin mo.. Be honest.. Gusto mo ba ako o hindi?" Napabuntong hininga ako.
Pag-uusapan nanaman ba namin ito.
"Mau.. You already know what's my answer to that diba?" Ayoko naman kasi magbitaw sa kanya ng mga salitang hindi ako sigurado. Na baka hindi ko mapanindigan sa huli.
"I like you, Jezra.. Mahirap bang sabihin kung gusto mo din ba ako?"
"Like? How strong is that LIKE?" Pagbabalik ko sa kanya.
Umiling iling siya.. "I get it.." Nangunot ang noo ko. Hinahabol ng tingin ang mukha niya.
Galit ba siya? I'm just stating my side. "Ganyan naman kayo. Nobody taking my words seriously. I got it, Jezra. I understand..." Tunog may hinanakit. Agad niya akong tinalikuran bago pa man ako makapag paliwanag.
Nakaramdam naman ako ng guilt.
Fuck! Hindi ko na alam saan ako lulugar..