bc

Loved By The Governor

book_age16+
509
FOLLOW
2.1K
READ
billionaire
possessive
age gap
others
twisted
bxg
small town
enimies to lovers
servant
seductive
like
intro-logo
Blurb

Raul Zorion Mondecillo, a hottie new elected governor. He's a dedicated and good public servant to his citizens. But then, he's known for being a dangerous and strict governor in the town. Mysteriously, the beast tamed by the beauty, named Vanica Agape Tefeltro.

Ngunit mananatili ba ang kanilang pagmamahalan hanggang sa huli kung may mga taong handang humadlang sa kanilang pagmamahalan? Will she remained loved by the governor?

chap-preview
Free preview
Simula
Dear Readers! The characters, events, businesses, place and incidents are all fictional and from authors imagination. Any resemblances to others are coincidence only. Do not copy the story without any consent or permission. Sa legal lang po tayo magbasa para lahat tayo masaya hehehe. Just warning that this story contains explicit mature themes. So, read at your own risk! Thank you for believing me and reading this story! Your friendly author, lainnexx ***** Malakas na umalingawngaw sa buong paligid ang hiyawan mula sa mga taong sumusuporta kay Raul Zorion Mondecillo, isa sa mga kandidato bilang gobernador ng Costa Danao. Na dating mayor sa isang maliit na lugar sa Costa Danao. Simula pa lamang na magproklama ito ng kanyang pagtakbo, lagi na itong laman ng usapan sa buong lungsod. "RAUL MONDECILLO!" paulit-ulit na sambit ng mga tao. Eleksyon na bukas kaya naman todo na ang suporta na pinapakita sa kani-kanilang pambato. "IBALIK SA AMIN! IBALIK SA AMIN ANG LUPAIN SA HACIENDA!" ngunit hindi rin naman magpapatalo ang mga taong kumukontra sa kandidatura nito. Nagpatuloy ang palitan ng sagutan hanggang sa natahimik sila dahil dumating na si Raul, sakay ng kanyang magarang sasakyan. Bumaba ito sa sasakyan niya, kumaway sa mga taong sumusuporta bago pinagmasdan ang mga taong galit sa kanya. Binasa rin ni Raul ang mga sa kariton na sumisira sa kanyang pangalan. 'Magnanakaw ng lupain!' 'Huwag iboto at hindi dapat pagkatiwalaan!' Batid ni Raul ang sinisigaw ng mga tao ngunit hindi niya maaaring ibigay ang gusto nito lalo pa't kanila naman talaga ang lupang inaangkin. Hindi pa nga rin siya nananalo bilang gobernador, kaya hindi pa niya maibibigay ang gusto nila. Gusto niyang mapasakamay muna niya ang pagkapanalo bago kikilos. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Pablo nang makarating ang hinihingal na si Vanica sa unahan para samahan siya. "Sorry 'tay. May pinasa pa kasi akong project kanina at hindi ko naman pwedeng ipagliban," pagdadahilan nito. Mabilis na tumango si Pablo, ang tatay ni Vanica. Naiintindihan naman niya ang kanyang anak at minsan nakokonsensya sa pagdawit sa kanyang anak ngunit alam niya rin na kailangan nila si Vanica. Inabot nito ang megaphone na tinanggap naman ng kanyang anak. Kontra partido sila kay Raul. Tumikhim si Vanica bago siya tumingin sa lalaking kanyang kinaiinisan. Ngunit bago pa man din magsalita si Vanica ay nakuha na nito ang atensyon ni Raul. Napaisip si Raul kung ano naman kaya ang sasabihin ng babaeng ito para sirain ang kanyang pagtakbo bilang gobernador? "ANG LUPA SA HACIENDA AY PARA SA MGA MAGSASAKA! HUWAG IPAGKAIT ANG LUPA NA DAPAT AY SA KANILA!" ani ni Vanica, hindi niya inalintana ang pagod sa pagtakbo para makahabol sa kanyang pangako sa kanyang tatay na sasama siya sa rally ngayon. Hindi naman napilitan si Vanica dahil gusto niya rin talagang ipaglaban ang karapatan ng magsasaka. Kahit nag-aaral siya ay madalas siyang sumasama sa pakikibaka para sa lupain. Sumabay na sa dunog ni Vanica ang mga tao at mas lalong lumakas ang kanilang boses. Tinaas ni Raul ang kanyang kamay at kagulat-gulat na tumahimik ang lahat. Pasimpleng napalingon si Vanica sa paligid dahil sa nasaksihan. Ganito nga ba kaimpluwensya ang isang Mondecillo? Bakit mabilis niyang napatahimik ang kanina ay maingay na paligid? Umayos ng tayo si Vanica nang dumapo ang paningin ni Raul sa kanya. Kinabahan siya lalo pa't iba ang tingin nito. Tila tingin na naiinis at hindi matagalan na makita siya. Binaba ni Vanica ang megaphone at naghintay sa sasabihin ni Raul. Hindi na katakataka kung bakit siya kinakatakutan ng nakararami. Masyado itong matalim tumingin na tila alam na nito ang iyong balak gawin o kaya iniisip. "Nandito ako para maging maayos ang ating samahan. Hindi ko hangad na kayo'y hamakin sa lupain na aming pag-aari." seryosong sabi ni Raul. Nagtiim-bagang si Vanica. "Pag-aari niyo kasi may pera kayo para makuha ang lupaing iyon! Bakit hindi niyo na lang ibigay ang lupa na iyon sa mga magsasaka?" huminto saglit si Vanica para habulin ang kanyang hininga na kanina pa niya ginagawa. Hindi siya nagpatalo sa malalim na titigan kay Raul at lumapit pa siya sa tapat nito. Naging maugong ang bulungan at ang iba ay pinapaalis na siya. Kulang na lamang batuhin sila para mapalayas. Ganyan kamahal ng mga tao si Raul. Na lalong nagpapainit sa ulo ni Vanica. "Sa yaman niyo malamang isang piraso lamang ng lupa ang katubas ng hacienda, kaya bakit pinagdadamot niyo? Hindi ba kayo naaawa sa kanila?!" Umigting ang panga ni Raul. "Hindi ko papabayaan ang buong Costa Danao. Kung ang lupain sa hacienda ang habol niyo pwede ko 'yong ipagkaloob sa maayos na paraan." Pero hindi iyon ang nasa loob ni Raul. Hindi niya pwedeng ibigay ang ilang parte ng hacienda sa mga magsasaka. "Ang bait talaga ng gov namin!" muling umalingawngaw sa buong paligid ang hiyawan ng mga tao. Suminghap si Vanica at marahan na tumango. Mahigpit ang hawak niya sa megaphone na gusto na niyang ihampas kay Raul. Hindi siya naniniwala dahil ganyan lang din ang naging pangako ng dating gobernador sa kanilang lungsod. Alam ni Vanica na may sapat siyang kinaadman upang malaman ang tama sa mali. Kaya naman pinaniniwalaan niya na hindi niya kailanman ipagkakatiwala sa isang kamay ng Mondecillo ang kanilang bayan. Kung kaya niya lang makumbinsi ang mga tao sa buong Costa Danao. Ang tanging adhika lamang ni Vanica ay ang matulungan ang mga magsasaka na nawalan ng lupang sakahan ng dahil sa papeles na inilabas ng pamilya ni Raul Mondecillo para mabawi ang nasabing lupain. "Baka nakakalimutan mo na hindi pa binabalik ng inyong angkan ang lupain ng mga magsasaka? Nasasabi mo lang 'yan ngayon pero katulad ka lang din ng mga unang gobernador dito. Puro pangako lang naman ang kaya niyong ibigay." Ngayon lang nakakita si Raul ng isang magandang dalaga na handang lumaban sa kanya nang walang bahid ng takot at pag-aalinlangan. Raul suppressed his amusement to Vanica. "Balang-araw, makakamit rin namin ang aming karapatan. Karapatan na kinuha niyo sa mga inosenteng mamamayan ng Costa Danao. Ikaw, Raul Zorion Mondecillo ay magbabayad sa kalupitan ng iyong pamilya." pabalang na turan ni Vanica na kahit siya mismo ay batid ang matinding takot sa kanyang pagbabanta. Tumaas lamang ang sulok ng labi ni Raul bago pilit na ngumiti sa mga tao. "Ikinagagalak ko na hintayin ang araw na magbabayad ako." Hindi nagustuhan ni Vanica ang naging sagot nito ngunit hindi siya nagsalita. "Ngunit ang aking adhikain para sa inyo ay maibigay kung ano ang nakakabuti. Huwag kayong mag-alala at gagawin ko ang lahat para maibigay ang nararapat sa inyo. Kung lupa sa hacienda ang gusto niyo, maaari natin ulit iyon pag-usapan," patuloy sa magandang pagngiti si Raul para makuha ang loob ng mga tao sa kanyang bayan. "Kailan naman? 'Pag natapos ang eleksyon at nanalo ka na?" umiling si Vanica, dismayado. "Hindi kami magpapadala sa mga pangako ng sinungaling na politiko." Malakas ang naging bulungan mula sa mga taga-suporta ni Raul. Hindi na naisip no Vanica na pagkatapos nito ay muli na naman silang pagpipiyestahan ng kanilang mga kapitbahay dahil sa pagharap kay Raul. Hindi mawari ni Vanica kung bakit gusto siya ng mga tao at ang kanilang pamilya. Porket gwapo siya akala ba niya ay mananalo siya?! Napakalakas naman ng tiwala niya sa sarili! Ngunit hindi maipagkakaila na malakas si Raul sa mga tao at hindi na nakakagulat pa kung ito ang mananalo. Wala rin namang ibang magandang kandidato para tulungan sila sa kanilang karapatan. "Kung hindi mo ako gusto, hindi ko ipipilit ang aking sarili para sa iyo at sa iyong grupo. Marami pang ibang tao ang umaasa sa akin. Iilan lang naman kayo." mahina nitong sambit para si Vanica lamang ang makarinig. "Hindi nasusukat ang hangarin namin dahil lang sa kakaunti kami. Siguro nga marami kayo pero itong hinahamak mo ang pipigil sa 'yo." may diin ang bawat salita na binitiwan ni Vanica. Mariing nagtitigan ang dalawa na tila sila lamang ang nandoon at walang tao na kanina nagbabangayan. Sa pagtititigan ng dalawa, nagpakawala ng mahinang tawa si Vanica. Kunot-noo lamang ang naging tugon ni Raul sa reaksyon ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit natawa ito sa kabila ng masama niyang pagtitig para matakot ito. Hindi ito inaasahan ni Raul. Pero bakit nagandahan si Raul sa ngiti ng dalaga? Tila kay sarap pagmasdan ang kagandahan nito. "Hindi na ako magugulat kung bukas o sa makawala patay na ako o kaya salvage na dahil lang-" "I. Won't. Do. That. To you... or to anyone under my empire. Hindi ako ganoong tao para mag-isip ka ng ganyan," Raul interrupted her. Napalunok si Vanica at nagpumilit na labanan ang matang nag-aapoy sa galit ni Raul. Kusang umatras ang kanyang paa bago tumalikod at lumapit sa kanyang mga kasamahan. "Empire? Hindi mo ito kaharian kaya hindi mo pag-aari ang buong Costa DanaoHindi pa kami tapos. Kahit sino ang manalo sa eleksyon, patuloy pa rin kaming lalaban," ani ni Vanica bago niyaya ang mga kasamahan na umalis. Pasimpleng nilingon ni Vanica si Raul at nahuli niya itong nakasunod ng tingin sa kanya. Inismiran lang ito ni Vanica bago bumitiw ng tingin. Gwapo pero nakakainis! ANG lahat ng kasamahan ng tatay ni Vanica ay nasa bakuran ng kanilang bahay upang mag-abang ng balita ngayong bilangan na ng boto at ilang saglit na laman ay inaanunsyo na ang nanalo. Sa loob-loob ni Vanica, wala siyang ibang maisip na mananalo kundi si Raul lamang. Malakas ito sa mga tao at maimpluwensya. Maganda rin ang pamamalakad nito noong naging mayor ito ng kanilang bayan ngunit masasaktan ang kanilang grupo kapag nanalo si Raul dahil sa kalaban nila ito sa lupain. Wala nang nasisilayan pa na pag-asa si Vanica sa kanilang pakikipaglaban para sa kapirasong lupain sa hacienda ngunit hindi niya maaaring ipakita ito sa kanilang samahan. Siya lamang ang inaasahan kaya naman nais niyang makapagtapos bilang abogado. Nasa puso ni Vanica ang maipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka. "Congratulations to Raul Mondecillo bilang ating bagong gobernador ng Costa Danao!" masayang anunsyo ng host sa entablado. Lumapit si Raul sa harap at kumaway sa mga tao at ngumiti. Hindi na rin nagulat si Raul na siya ang nanalo, mas magugulat pa ata siya kung malaman niyang talo siya. Basa na niya kung anong mangyayari, inaasahan na niya itong lahat. Bagsak ang balikat ng mga magsasakang kasama ni Vanica habang nanonood ng balita. Dapatwa't inaasahan na niya ito, kinakain pa rin siya ng matinding kalungkutan. Vanica clears her throat. She tried to look strong. "Huwag po tayong mag-alala. Hindi po ako titigil na tulungan sa inyo para lumaban sa hacienda. B-baka totoo naman ang sinabi ni Raul na ibibigay niya sa atin ang ating hinihingi." "Vanica, tumanda na lang kami sa paulit-ulit na pangako ng mga politiko pero walang nangyayari. Ngayong pamilya na ng mga Mondecillo ang maaaring mamuno sa buong bayan maaaring mabalewala lahat ng ating pinaglalaban." ani ng isa sa miyembro ng kanilang samahan. Mariing napalunok si Vanica at nauunawaan ang hinanakit ng kanilang mga kasamahan. "'Tay, aalis lang ho ako saglit," pagpapaalam ni Vanica. "Saan ka naman pupunta?" tanong ng kanyang ama. "Doon po sa plaza. Gusto ko po ulit na makausap si Gov. Raul," sagot ni Vanica. "Naku! Sasama kami kung ganoon-" "Hindi na po 'tay. Ako na lang po. Babalik din ako kaagad. Hindi naman ako makikipag-away kaya hindi kayo dapat mag-alala." malambing na sabi ni Vanica. Umalis si Vanica at pumunta sa plaza kung saan nagbibigay ng speech si Raul sa kanyang mamamayan. Hindi interesado si Vanica dahil alam naman niya na puro kasinungalingan ang sinasabi nito. Gabi na ngunit hindi pa rin tapos ang kasiyahan sa entablado. Nasa dulo lamang si Vanica at naghihintay na matapos ang programa. She felt uneasy as the blows winds and her eyes met Raul's dangerous eyes. Tila sinasabi nito kung ang mas nakakalamang sa kanilang dalawa. It’s natural for Raul to make his prey intimidating. Kahit malayo, may kakaibang tensyon na nabuo sa kanilang dalawa. "Badtrip! Mukhang bukas pa ata sila matatapos." inis na bulong ni Vanica dahil sobrang late na siya. Hindi ito ang sinabi niya sa kanyang tatay. Nagdesisyon na umalis na lamang si Vanica dahil malayo pa ang kanyang uuwian. Kailangan niya pang tumawid sa isang sapa para makauwi sa kanilang bahay. Ngunit bago 'yon, dumaan muna siya sa isang tindahan upang bumili ng gasera para may maging ilaw sa kanyang pag-uwi. Hindi na siya takot sa dilim dahil sanay na naman siya. Ngunit sa kanyang paglalakad ay may narinig siyang kaluskos ng mga dahon malapit sa kanya. Noong una, sumagi sa isip ni Vanica na baka isa lamang itong hayop ngunit pansin niyang mabilis ang paggalaw nito. Dahil kabisado na niya ang buong lugar ay alam niyang wala na naman na hayop na maliksi ang pagkilos. Hindi naman siya kinakabahan ngunit hindi rin magaan ang kanyang pakiramdam. Huminto si Vanica sa paglalakad at humarap sa kanyang likod sabay angat ng gasera. Isang makisig na nilalang ang kanyang nakita na may namumungay na mata. Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib nito sa paghahabol ng hininga. Napaawang ang labi ng dalaga at hindi kaagad nakapagsalita. Ilang beses na kumurap si Vanica bago napabuga ng hininga habang pinagmamasdan ang itsura nito. "Raul?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook