"PERFECT" B R I X POV Hindi ko na matandaan kung ilang araw ko na bang iniiwasan si Jenna. Two days? Four? Isang linggo na ba? Ang alam ko lang, mula noong pumunta kaming mall, parang bigla akong naging expert sa pag-iwas sa kanya. Kapag nakikita ko siya, bigla akong may ibang pupuntahan. Kapag tinatawag niya ako, kunwari hindi ko naririnig. Kapag nasa iisang lugar kami, ako na mismo ang lumalayo. Hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa 'yon. At mas lalong hindi ko alam kung bakit parang hindi ko kayang tumingin sa kanya nang diretso. Today is the day. Camp na. At itong mga bwisit kong tropa ay naghahanda na para mamaya. 7:30 pa lang ng umaga at nandito lang kami sa rooftop para hintayin mag-alas otso, dahil kapag alas otso na, bubuksan na ang lahat ng booth at rides. Mula rito,

